Alyanna Martinez breaks silence on "false rants" of unnamed person: "Love and respect is earned. Not a right."

Alyanna Martinez (second from left) on false allegations against her mom and their family: “Enough said, God will have the final judgment at the end and our ENTIRE clan can rest in peace knowing the truth and not all the malicious attention seeking lies being spread around. You don’t know the whole story so don’t judge based on the false rants of one single person against a whole room of people who truly and deeply love my mother with all their hearts and n


Naglabas ng saloobin si Alyanna Martinez hinggil sa “false rants” ng isang ‘di pinangalanang personalidad, isang araw matapos ginanap ang cremation ng yumao niyang ina na si Liezl Martinez.

Si Alyanna ang panganay sa tatlong anak nina Albert at Liezl Martinez.

Ayon sa latest Instagram post ni Alyanna ngayong Martes, March 17, mayroon umanong isang tao na nagkakalat ng kasinungalingan patungkol sa kanyang ina at sa kanilang pamilya.

Ganunpaman, nanindigan ang dalaga na anuman ang paninirang gawin ng ‘di pinangalanang tao ay hindi nito mababago ang katotohanan kung sino ang tunay na may malasakit kay Liezl.

Pahayag ni Alyanna sa caption ng kanyang Instagram post: “Believe what you want.

“Actions speak much louder than words.

“A flat out lie will ALWAYS be a lie.

“And the truth will ALWAYS be the truth no matter what.

“My mother is no longer around to defend herself so I delegate that task to myself now.

“If you truly love a person, you don’t destroy them. Living and/or dead.

“Enough said, God will have the final judgment at the end and our ENTIRE clan can rest in peace knowing the truth and not all the malicious attention seeking lies being spread around.

“You don’t know the whole story so don’t judge based on the false rants of one single person against a whole room of people who truly and deeply love my mother with all their hearts and not just for show."



IS ALYANNA REFERRING TO HER LOLA AMALIA? Bagamat hindi direktang pinangalanan ni Alyanna kung sino ang personalidad na tinutukoy niya, base sa comments ng kanyang Instagram followers ay hinihinalang may kinalaman ito sa pagwu-walkout ng kanyang lola na si Amalia Fuentes sa cremation ceremony ni Liezl noong Lunes ng umaga, March 16.

Ito ay sa kadahilanang ikinagalit ni Amalia ang hindi pagbigay sa kanya ng oportunidad na makapagbigay ng huling mensahe para sa anak niyang si Liezel sa naturang cremation ceremony.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin nagustuhan ni Amalia ang hindi pag-acknowledge ng host ng cremation ceremony sa presence niya at sa ama ni Liezl na si Romeo Vasquez.

Naglabas din ng sentimiyento si Amalia sa harap ng media tungkol sa hidwaan sa pagitan niya at ni Albert, na diumano’y inalayo ang loob ni Liezl noong nabubuhay pa ito mula sa beteranang aktres.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na noon pa man ay hindi pabor si Amalia kay Albert para kay Liezl.

Matatandaang 18 years old si Liezl nang makipagtanan at nagpakasal kay Albert sa Las Vegas noong 1985.

Sabi ni Amalia, “All this time, they shut me off from her life because they wanted sila-sila.

“Ako, I was just in the sidelines, just watching that Liezl is alright.

“Andito ako sa sideline because I know she’s married and that is what her husband requires her na sila-sila lang.

“So, for the longest time, I was never part of their life, but I was always there for her.”

Read: Amalia Fuentes storms out of daughter Liezl Martinez's cremation ceremony


ALYANNA’S TELLING POSTS. Bukod sa Instagram post ni Alyanna ngayong umaga, nagbahagi rin ang dalaga ng isang makahulugang mensahe sa kanyang Instagram, ilang oras matapos ang cremation ceremony ng kanyang ina.

Kalakip ng Instagram quote na ibinahagi ni Alyanna ay ang caption na nagsasabing: “Love and respect is earned. Not a right.

Love and respect is earned. Not a right.

A photo posted by Alyanna Martinez (@alyannamartinez) onMar 16, 2015 at 4:28am PDT

Kaninang umaga ay nag-post muli si Alyanna ng larawan nilang magkahawak-kamay ng ina.

Sabi sa isang bahagi ng caption ng naturang larawan: “No one can hurt you now and that’s the only consolation I can take.

“Watch over us as we go thru these trying times as a united family. Those that matter know the truth. Those that don’t, don’t matter.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN