Zanjoe Marudo hopes to be a real dream dad “as soon as possible”

“As soon as possible. Siguro sana hindi na lalagpas ng limang taon. Siguro nasa tamang edad na rin naman ako," says Zanjoe Marudo about becoming a dad in real life.


Masaya na si Zanjoe Marudo sa madalas na pagganap niya bilang isang ama sa mga teleserye.

Pahayag niya, “Nakakatuwa kasi, at least, nakita ko na talaga kung saan ako o kung para saan talaga ako.

“Hindi 'tulad dati, ita-try ko mag-drama na intense...

"At least dito, nahanap ko talaga kung saan ako—light at wholesome, may bata.

“Kahit naman siguro sino ang malagay sa posisyon, basta may bata talaga sa isang show, laging positive ang mangyayari.”

Bago ang Dream Dad, gumanap din bilang ama si Zanjoe sa teleseryeng Annaliza.

Dahil dito, nagkaroon tuloy ng imahe si Zanjoe sa mga manonood bilang isang mabait na ama.

Nais lang daw itong ipagpatuloy ng Kapamilya actor.

Aniya, “Lagi lang akong magiging mukha ng isang mabait na tatay, mabait na kaibigan, at mabait na anak.

“Magiging role model ako sa mga tao, na isang mabuting tao.

“Kahit nasa akin na ang lahat, kailangan kong i-share sa ibang tao.”

Tanggap din daw niya kung sakaling mapadalas na ang father roles na ibigay sa kanya.

“Wala namang problema sa akin kung laging ganito ang ibibigay sa aking role.

“Positive naman ang ibinibigay niyang effect sa tao, so wala naman sigurong isyu kung palaging ganito.

“Nakakatulong naman ang ganitong roles sa mga viewers, maganda naman ang naipapakitang aral.”


Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Zanjoe sa thanksgiving press conference ng Dream Dad noong Biyernes, March 13.


REAL DAD. Dahil napapaniwala ni Zanjoe ang mga manonood na isa siyang mabuting ama sa mga teleserye, may posibilidad kaya na mangyari na ito sa tunay na buhay?

Pabirong sagot ng boyfriend ni Bea Alonzo, "Ilang taon na ba ako ngayon?

"Hindi ko na namalayan kasi every day akong nagtatrabaho."

Pero seryoso niyang dagdag, “As soon as possible. Siguro sana hindi na lalagpas ng limang taon.

“Siguro nasa tamang edad na rin naman ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto ko, kapag nagkapamilya ako, makakapaglaro pa rin kami, makakapag-bonding pa."

Kung sakaling mangyari ito, sabi ni Zanjoe, “Sana sa sarili kong anak, pagdating ng panahon, maging dream dad din ako.”

Sa ngayon, itinutuon na muna ni Zanjoe ang kanyang atensiyon sa mga pamangkin niya.

Aniya, “Meron naman akong mga pamangkin, may mga bata naman sa paligid namin.

“Ayaw ko lang [isipin] ang mga ganung bagay na hindi pa naman talaga handa ang lahat.

“Darating din siguro sa tamang panahon. Lahat naman ng ito, dumarating sa tamang panahon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN