Ara Mina and Mayor Patrick Meneses’s daughter Amanda Gabrielle gets baptized

Bininyagan ang anak nina Ara Mina at Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses na si Amanda Gabrielle ngayong Martes ng hapon, March 17, sa San Roque Parish, Mandaluyong City.


Bininyagan na ang anak nina Ara Mina at Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses ngayong Martes ng hapon, March 17, sa San Roque Parish, Mandaluyong City.

Ngayong araw ay eksaktong tatlong-buwang gulang na ang anak nina Ara at Mayor Patrick na si Amanda Gabrielle, na isinilang noong December 17, 2014.

Kabilang sa mga ninong at ninang ni Amanda ang non-showbiz friends ng couple, ilang pulitiko, at ang mga aktres na sina Jessa Zaragoza at Jan Marini.

Ninang din ang Megastar na si Sharon Cuneta at ang kapatid ni Ara na si Cristine Reyes, pero parehong hindi nakadalo ang dalawa.

Si Sharon ay may biglaang taping daw sa bagong show niya sa ABS-CBN, habang si Cristine naman daw ay hindi maiwan ang baby nito.

Sa maikling panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ara bago ang binyag ay nagpahayag siya ng kasiyahan sa pagiging isa nang ganap na ina.

“Actually, unexplainable yung feeling ng pagiging ina. Mahirap na masarap.

“Iba yung ibinibigay na joy ng baby, happiness talaga,” pahayag ng aktres.

Ngayong tapos na ang binyagan, ibig bang sabihin nito ay kasal na ang kasunod?

Natatawang tugon ni Ara, "A, darating tayo diyan!

“Kasi ngayon pa lang, binyag pa lang naano na kami.

“’Tsaka mag e-election pa, e.

“Tingnan natin, we'll see."

Bagamat tatlong buwan pa lang ang kanilang anak, nagpaplano na raw sila ni Mayor Patrick na magka-baby muli.

Banggit ni Ara, "After a year.

“Ako kasi, gusto ko tatlo lang, e. Si Pat, gusto niya, five.

“Pero uso pa ba yun ngayon yung marami? Parang hindi na, 'no?

“Maximum na yung four kung kakayanin ko, kasi may edad na ako."

Malapit na rin daw mapanood muli si Ara sa ilang TV shows.

Pinayagan naman daw siya ni Mayor Patrick na bumalik sa showbiz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN