Detained Senator Jinggoy Estrada attends graduation ceremony of son Julian

Seen in this photo is Senator Jinggoy Estrada’s happy reunion with son Julian at the latter’s high graduation rites held at O.B. Montessori, San Juan City, earlier today, March 18.


Dinaluhan ni Senator Jinggoy Estrada ang graduation ceremony ng anak niyang si Julian Estrada sa O.B. Montessori sa San Juan City, Martes ng hapon, March 18.

Pinayagan ng Sandiganbayan Fifth Division ang hiling ni Senator Estrada na magkaroon ng furlough o pansamantalang paglaya mula sa pagkakaditena nito sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City.

Tatlong oras ang ibinigay na time period kay Senator Estrada upang makapiling ang 19-year-old na anak sa ginanap na graduation ceremony nito.

Sabi pa ni Sandiganbayan Fifth Division Chairperson Roland Jurado sa ginanap na pagdinig sa korte kaugnay ng furlough ng senador kahapon, March 17: “If Estrada will not be around, that will be traumatic for the child.

“We are not doing this for Senator Estrada. We’re doing this for the child.”

Sa isang press briefing kaninang tanghali, tiniyak ni PNP Chief Superintendent Generoso Cerbo Jr. na tanging eskuwelahan lang ng anak ang pupuntahan ng senador at wala nang iba pang lugar.

Pasado alas-dos ng tanghali ngayong araw nang umalis si Senator Estrada sa Camp Crame patungong O.B. Montessori upang saksihan ang high school graduation ng Star Magic talent na si Julian.

Base sa kumalat na larawan sa social media ng mag-ama ay kitang-kita ang kasiyahan sa senador dahil nakasama nito ang anak sa espesyal na araw nito.

Kasalukuyang naka-detain si Senator Estrada sa PNP Custodial Center mula noong June 2014 dahil sa kasong plunder.

Ito ay kaugnay ng diumano’y pakikipagsabwatan ng senador sa pork barrel mastermind na si Janet Lim-Napoles, kung saan umabot sa mahigit P180 million ang diumano’y kinamal ng senador mula sa kanyang pondo nito sa Priority Development Assistance Fund (PDAF).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN