Juancho Triviño answers issue linking him to Louise delos Reyes

Juancho Triviño on being part of Bubble Gang: "Sa Bubble Gang, sobrang masaya ako at sana, hindi ako mawala dun. Siyempre, kailangan din mag-improve nang mag-improve. And for me, I think, I’m meant to be in Bubble Gang dahil medyo character ko rin na magpatawa talaga."


Natigilan ang Kapuso young actor na si Juancho Triviño nang usisain ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa balitang madalas daw silang makitang magkasama ni Louise delos Reyes.

Ano ba ang mayroon sa kanila ni Louise?

Sabi ni Juancho, “Kami ni Louise, well… nagkakasama kami sa ilang events.

“And para siyang ako rin. Parehas kami ng ugali, parehas kami ng gusto.”

Anu-ano yung pagkakapareho nila?

“Yung mag-travel, mag-foodtrip and stuff.

“Pero hindi naman pinu-push.

“Nagkakataon lang na may ilang chances na nasa same place kami at the same time.”

Sinasabi niya bang hindi sila nagdi-date?

“Hindi naman, pero kapag nagkakasama kami sa isang place, nagkikita kami nang mabilis lang, ‘Hi, hello,’ ganun.”

Attracted ba siya kay Louise?

“Maganda siya, pero ako kasi, nagugustuhan ko rin ang isang tao sa ugali.

“Pero hindi ko pa rin naman siya nakakasama nang matagal to know her ugali.”

May girlfriend ba siya ngayon?

Nakangiting sagot ni Juancho, “Wala po, e.

“Wala po talaga. Focus muna sa work at sa school.”

SEXY IMAGE. Kasalukuyang napapanood si Juancho sa gag show na Bubble Gang. Kasama rin siya sa cast ng upcoming weekly drama series ng GMA Network na InstaDAD.

Gusto rin daw na ituloy ni Juancho ang pagpapaganda ng katawan.

Ano ba ang gusto niyang makita sa kanyang katawan?

“Yung sexy lang, presentable,” nakangiti niyang sagot.

Plano rin niyang magpaseksi, mag-Cosmo Bachelor Bash?

Tugon ni Juancho, “Well, it depends sa GMA.

“Kung ano ang hingin nila sa akin, yun ang gagawin ko.

“Kung ano ang tingin nilang tama, yun ang tatahakin ko.”

Game siya sa kahit na ano?

“Game ako sa kahit na ano,” aniya.

Posible bang rumampa siya sa Cosmo Bachelor Bash ngayong taon?

“Well, I don’t know… depende, e.

“Pero hindi ko pini-pressure sarili ko sa ngayon.

“Pero kapag sinabi nila, game ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Handa na siya?

“Right now, hindi pa. Pero in a couple of months, I will be,” sabi ni Juancho.

Hindi naman daw naiilang si Juancho kung bukod sa mga babae ay may nagkakagusto rin sa kanyang mga bading.

“That’s flattering!” natawang sabi niya.

“Siyempre kapag ganun, naa-appreciate ko rin kung ano ang nagugustuhan nila sa akin.

“Natutuwa ako na naa-appreciate nila ako.”

HAPPY WITH HIS CAREER. Masaya naman daw si Juancho sa takbo ng kanyang showbiz career.

Saad niya, “Okey po ako, kasi growing up, mahilig akong magpatawa.

“Sa Bubble Gang, sobrang masaya ako at sana, hindi ako mawala dun.

“Siyempre, kailangan din mag-improve nang mag-improve.

“And for me, I think, I’m meant to be in Bubble Gang dahil medyo character ko rin na magpatawa talaga.

“At ngayon, heto, binigyan na naman ko ng show, ang InstaDad, yes, I’m very happy.

“Isipin niyo, nagtatrabaho ako ng twice-a-week. Yung iba naman, matagal natetengga.

“Hindi naman ako natengga ng sobrang tagal. Yun ang importante.”

Sa kabila ng pagiging abala niya sa showbiz, hindi pa rin pinababayaan ni Juancho ang pag-aaral niya. Pinipilit niyang makatapos ng kolehiyo sa De La Salle University sa Taft Avenue, Manila.

“Siyempre, alam naman natin na malaking bagay na nakapagtapos pa rin ng pag-aaral.

“Medyo hirap sa schedule, pero konting hintay na lang naman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN