Danica Sotto-Pingris reveals her fear about dad Vic Sotto’s relationship with Pauleen Luna

Danica Sotto on Pauleen Luna: "Hindi ko naman siya puwedeng i-disrespect. Bilang si Pauleen din, nagpapakatao rin naman siya sa akin, hindi naman niya ako binabastos. Siguro may mga bagay ako na sang-ayon ako at hindi sang-ayon. Pero hindi pa rin yun dahilan para hindi mo respetuhin ang isang tao."


Noong March 3 ay nagdiwang ng kanilang 8th wedding anniversary ang mag-asawang Danica Sotto-Pingris at Marc Pingris.

Kilala bilang isang ideal celebrity couple sina Marc at Danica. Paano nila nagagawang maging solid ang kanilang pagsasama kahit na may mga problema silang pinagdadaanan?

Ayon kay Danica, “Oo naman, hindi naman talaga mawawala yung sobrang nag-aaway rin kami or hindi napagkakasunduan.

“Siyempre, dumarating din yun sa mag-asawa.

“Pero I think, nauuna kasi sa amin yung respect at yung tinanggap namin yung pagkatao ng bawat isa.

“Like ako, tinanggap ko kung sino siya in the past.

“Siyempre, medyo marami kaming indifferences, e.

“Ibang way siya pinalaki, ibang way ako pinapalaki.

“I think, yun din ang nakatulong, yung pagtanggap ng kanya-kanyang pagkatao.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Danica sa press at celebrity screening ng Cinderella, courtesy of PLDT Telpad, noong Linggo, March 15, sa Shangri-La Mall Cinema.

ACCEPTANCE. Nabanggit ni Danica ang tungkol sa pagtanggap.

Kaugnay nito, tinanong ng PEP si Danica kung tanggap na ba niya ang romantic relationship ng ama niyang si Vic Sotto, 60, sa Kapuso actress-TV host na si Pauleen Luna, 26?

Saad ng Happy Wife Happy Life co-host, “Kahit naman si Pauleen, alam naman niya yun na hindi naman mawawala talaga yung at the back of your head, yung age gap talaga.

“Sa ngayon kasi, I can see naman that they’re really happy.

“So, nirerespeto ko na lang kung ano yung meron sila ngayon.

“Pini-pray ko na lang na sana talagang it will last hanggang sa future.

“’Di ba, yun lang naman ang importante?”

Lumalabas ba sila kasama ang kanyang ama at si Pauleen?

Sagot ni Danica, “Oo. Parang nanonood din sila ng games ni Marc. Sila ni Daddy.

“Manonood kami ng games then, after, kakain kami sa labas.”

REACHING OUT. Si Danica na ang nagsabing si Pauleen ang nag-reach out sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“In fairness naman to her. Parang nag-organize siya ng dinner with my dad ‘tapos…

“Never pa nga siyang nag-invite na siya lang.

“Parang laging… kunwari, ‘Tara, dinner tayo.’ Yun pala with my dad.

“Kunwari, pupunta ako ng Alabang… Minsan si Daddy naman ang magsasabi na, ‘O, tara, dinner tayo, ‘tapos yayain ko si Pauleen,’ ganun.

“Hindi pa niya ako niyaya na, ‘Tara…’ as if mag-amiga?

“To think na hindi malayo ang age namin, ‘di ba?”

Dagdag pa ng 31-year-old TV personality, “Siguro nandun naman yung respect. Na-appreciate ko naman yun.

“Niri-reach out rin niya kahit yung mga anak ko.

“Parang kahit wala ako, pumupunta raw sa bahay, nagdadala ng mga something for my kids.”

WORRIES. Isa ba itong patunay na kakaiba si Pauleen sa mga nagdaang romantic relationships ng kanyang ama?

Saad ni Danica, “Well, different na nga yung pinakabata, ‘di ba?

“Pero yun na nga, at the end of the day, hindi mo maiaalis na magwu-worry ka. 'Paano na kaya sa future?'

“Sa ngayon, nakikita ko naman yung effort niya rin talaga.

“Yung pag-iintindi niya kay Dad, sobra-sobra rin naman.

“Because I know it’s not easy to be his girlfriend.

“Kasi, I mean, ‘di ba, may mga anak na siya [Vic]? Puwede naman siyang [Pauleen] magsimula nang fresh.

“So, ina-appreciate ko na lang kung ano yung meron sila ngayon.”

Dagdag pa niya, “Nakikita ko naman na masaya siya [Vic] and parang ayaw ko na ring i-stress ang sarili ko sa mga bagay na wala pa.

“Sige, I’ll just take it a day at a time.

“And I’m always praying naman for them.

“Pinagpi-pray ko naman na sana, at the end of the day, kung anuman yung maging decision nila, like, if they will take it a step further, parang magkaroon sila ng fear of the Lord.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maging nandiyan din si Lord sa relationship nila.

“Kasi, ‘di ba nga, parang ang daming nagsasabi na, ‘Ano ba? Ano ba talaga yung secret sa ano [relasyon]?’

“Wala naman talagang nakakaalam ng secret sa ano…

“Kunwari, ako, hindi ko naman mababantayan si Marc 24/7, and I’m sure… I’m sure ang daming mga nangungulit sa kanya.

“Baka yung iba, hindi ko alam. Baka yung iba nandiyan-diyan lang, ‘di ba?

“Parang ang inaano ko na lang, ang sinabi sa akin ni Tito Chinkee Tan…

“Hindi ko makakalimutan yung sinabi niya na if you have a spouse that has fear of the Lord and loves God more than you, kahit hindi mo bantayan ‘yan, takot ‘yang gumawa ng ano [kalokohan].

“So, yun lang ang fear ko, hindi lang sa kanila, kundi sa aming dalawa rin.

“Hindi naman ako nagdudunung-dunungan. Hindi rin naman ako perfect.

“Every day nagdarasal talaga ako na sana forever na ito, sana forever na ito.

“Wala rin namang makakapagsabi.”

OYO SOTTO. Ang kapatid ba ni Danica na si Oyo Sotto ay parehas din ng pagtanggap sa relasyon ng kanilang ama kay Pauleen?

Paliwanag ni Danica, “Si Oyo kasi, lalaki, e.

“’Di ba, ‘pag lalaki, hindi naman ‘yan yung tipong magyayaya?

“Parang nakikita ko rin lang din na when he sees her, nandun din yung respect na pinapansin niya na ‘hi, hello.’

“Pero hindi kasi siya yung tipong mag-o-open ng conversation.

“Or hindi siya yung tipong magti-text kay Pauleen na, ‘Tara, labas tayo.’

“Ang weird din naman siguro kung gagawin niya yun.

“Siguro puwedeng i-expect from me dahil babae rin, ‘di ba?

“More of ano lang, ‘O, kumusta?’

“Pero wala nang tensiyon. Hindi na katulad dati.”

Sina Danica at Oyo ay mga anak ni Vic sa dati nitong asawa na si Dina Bonnevie.

BOTH WOMEN. Masasabi bang mas buddy sila ni Pauleen?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Danica, “Siguro dahil nagkatrabaho na kami before, ‘tapos babae.

“Of course, hindi mo naman maaialis yung kahit sinong tao, yung first impression na ang layo ng ano [age gap].

“I’m sure alam nila yun. Hindi naman parang as if it’s a surprise to them na it’s a shocking thing.

“Pero medyo matagal-tagal na rin sila.”

Patuloy niya, “So, yun na lang ang inaano ko na, as a daughter, I have to respect him as my dad na parang I cannot make decisions for him.

“Hindi ko naman siya [Pauleen] puwedeng i-disrespect.

“Bilang si Pauleen din, nagpapakatao rin naman siya sa akin, hindi naman niya ako binabastos.

“Siguro may mga bagay ako na sang-ayon ako at hindi sang-ayon.

“Pero hindi pa rin yun dahilan para hindi mo respetuhin ang isang tao. Yun lang ang paniniwala ko.

“Saka halimbawa, tayo magkaibigan, may mga bagay na pinapaniwalaan mo o okey sa iyo, maaaring sa akin it’s non-negotiable.

“Pero it’s not the reason to disrespect you, ‘di ba?

“Parang nandun ako sa ganun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN