Robin Padilla on Mariel Rodriguez’s miscarriage: “Madali akong naka-move on. Pero si Mariel, hanggang ngayon, hindi pa.”

Robin Padilla reveals that wife Mariel Rodriguez has not yet fully moved on from her recent miscarriage and is still hoping for a miracle.


“Maraming-maraming salamat po sa nagdasal. Maraming salamat po sa mga sumuporta kay Mariel sa oras na ito ng kanyang kalungkutan na matindi.”

Ito ang bungad ni Robin Padilla nang usisain siya hinggil sa nangyaring miscarriage sa kanyang kabiyak na si Mariel Rodriguez.

Matatandaang sa pamamagitan ng Facebook ay kinumpirma ni Mariel na nakunan siya noong Lunes, March 16.

Read: Mariel Rodriguez confirms miscarriage: “A small part of me has died.”

Nakausap naman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Robin kaninang tanghali, March 18, sa announcement ng Internet.org by Facebook—isang mobile app na nagbibigay ng libreng mobile internet sa users ng Smart, Talk ‘N Text, at Sun.

Endorser si Robin ng Talk ‘N Text.

Sabi pa ni Robin tungkol sa nangyari sa kanyang misis: “Hindi pa po tapos. Hanggang ngayon [malungkot] pa siya.”


MARIEL IS STILL HOPING. Sa kanilang dalawa ni Mariel, mas mabilis daw naka-recover si Robin sa pagsubok na dumating sa kanilang mag-asawa.

“Sa tanda kong ito kasi, nalulungkot ako para kay Mariel.

"Siyempre siya yung nangarap.

"Ibang klaseng joy ang idinulot sa kanya nun.

“Ilan naman na ang anak ko, naka-experience na rin ako niyan, e.

"Sa first wife ko, nagkaroon din ng ganyan," pagtukoy ng aktor sa kanyang dating asawa na si Liezel Sicangco.

Patuloy ni Robin, “Madali akong naka-move on, pero si Mariel, hanggang ngayon, hindi pa.

“Kasi sabi nga ng doctor, aalisin na, ayaw niya.

"Naniniwala pa siya na meron pang milagrong mangyayari.

“Sabi niya, hangga’t hindi siya dinudugo nang normal, hindi niya aalisin.

“Sabi ko nga, ‘Baka delikado nga ‘yan kasi may patay na sa loob mo.’

"E, hindi naman daw, sabi din naman nung doktor, natural naman daw na lalabas ‘yan."

Higit walong linggo na ang ipinagbubuntis sana ni Mariel.

Natukoy na raw na walang heartbeat ang fetus na nasa sinapupunan ni Mariel, pero naniniwala ang TV host na baka magkaroon pa rin ng milagro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin daw alam ni Robin kung ano ang naging sanhi ng miscarriage ni Mariel dahil maingat naman ang kanyang asawa at hindi na halos gumagalaw.

Sa ngayon, nakakakuha naman ng suporta at pag-aalaga si Mariel mula sa kanyang mga kaibigan at kanyang lola.

Nauunawaan daw ni Robin ang pinagdadaanan ng kanyang asawa.

“Hindi magaan sa kanya [kasi] bago.

“'Wag naman mangyari uli, pero kumbaga, unang shock.

“Tagal naming pinlano.

"Kung kailan namin pinlano, 'tsaka 'di nangyari [ang pagkakaroon ng anak].

“Nakahanda na siya, handa na rin ako. Handa na ang mga bata.

"Pati yung first wife, handa na rin sa mangyayari. Planado."

Paano nililibang ni Mariel ang kanyang sarili ngayon?

Ayon kay Robin, “Ganun pa rin siya.

"Umaasa pa rin siya na hangga’t hindi siya dinudugo...

“Siyempre sasakyan lang natin. Hindi naman natin puwedeng [madaliin].

"Ang pangit naman nun kung ako ang babaril sa trip niya."

Sabi pa ni Robin, inabisuhan naman sila ng kanilang doktor na puwedeng-puwede pa nilang subukan para makabuo muli, at handa naman daw ang action star para rito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN