Christi Lynn McGarry will keep her Bb. Pilipinas-Intercontinental crown, says BPCI

Amidst the controversy surrounding the Bb. Pilipinas-Intercontinental title given to Christi Lynn McGarry, BPCI explains in a text message that the 24-year-old beauty queen will keep her title and is eligible to compete again in Miss Intercontinental this year.


Walang palitan ng koronang magaganap.

Ito ang buod ng text message na diumano'y galing sa Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) hinggil sa isyung posibleng pagkakaroon ng “crown switching,” matapos matiyak na ang kinoronahang Bb. Pilipinas-Intercontinental sa katatapos lamang na Binibining Pilipinas 2015 grand coronation night na si Christi Lynn McGarry ay naging kinatawan na ng Pilipinas sa Miss Intercontinental noong 2010.

Ibig sabihin nito, pangalawang beses na ni Christi Lynn na magiging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Intercontinental pageant.

Nauna nang naglabas ng official statement ang BPCI at sinabing pag-aaralan nila ang kaso ni Christi Lynn.

Read: Bb. Pilipinas-Intercontinental 2015 Christi Lynn McGarry stands to forfeit title owing to Binibining Pilipinas "oversight"

Samantala, sa Facebook account ng Missosology Philippines nitong Miyerkules, March 18, dakong ika-10:30 ng gabi, ipinost dito ang text message umano mula sa BPCI, bilang tugon sa mga bali-balitang napunta na kay Rogelie Catacutan ang korona ni Christi Lynn na Bb. Pilipinas-Intercontinental.

Si Rogelie ang kinoronahang Bb. Pilipinas-Supranational sa Binibining Pilipinas noong Linggo, March 15.

Ayon sa nasabing text message, walang lipatan ng korona sa limang major titles na napanalunan ng mga kandidatang sina Pia Wurtzbach (Miss Universe-Philippines), Janicel Lubina (Bb. Pilipinas-International), Christi Lynn (Bb. Pilipinas-Intercontinental), Rogelie (Bb. Pilipinas-Supranational), at Ann Lorraine Colis (Bb. Pilipinas-Tourism).

Sinabi pa sa nasabing mensahe na “eligible” pa rin si Christi Lynn na maging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Intercontinental 2015 na dati na niyang sinalihan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN