Vandolph Quizon involved in minor road accident

Ayon sa ulat, nawalan daw ng control ang sasakyan ng komedyanteng si Vandolph Quizon at lumusot ito sa kabilang lane ng kalsada sa may NAIA kung saan nakasagi ito ng motorsiklo.


Nasangkot sa isang minor road accident ang aktor na si Vandolph Quizon ngayong Huwebes ng umaga, March 19.

Nangyari ang aksidente sa paligid ng Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City.

Ayon sa ulat ng GMA News Online, nawalan ng kontrol ang minamanehong sasakyan ni Vandolph at tumawid ito sa kabilang linya kung saan nakasagi ito ng isang motorsiklo.

Nagtamo ng minor injury ang driver ng motorsiklo na nakilalang si Michael Ferrera.

Hindi naman daw nasaktan ang anak ng yumaong Comedy King na si Dolphy.

Sa mensahe ni Vandolph sa writer na ito, sa pamamagitan ng Instagram, nilinaw nitong na-flat ang gulong ng kanyang kotse kaya nawalan siya ng kontrol sa pagmamaneho.

Noong 2001, nasangkot sa isang grabeng car accident sa Pangasinan si Vandolph kasama ang dating girlfriend nitong si Desiree Raquiza.

Nagtamo ng grabeng pinsala ang dalawa na ikinasawi ni Desiree.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN