Jef Gaitan exposes "betrayal" of rumored boyfriend Alex Castro and friend Sunshine Garcia

Sa kanyang Facebook account, sinabi ng actress-model na si Jef Gaitan na pinagtaksilan siya siya ng kanyang kaibigan at ng lalaking posibleng karelasyon niya.


Naglabas ng sama ng loob ang Banana Nite actress na si Jef Gaitan, sa pamamagitan ng kanyang social media accounts, tungkol sa pagtataksil diumano sa kanya ng isang kaibigan at lalaking posibleng karelasyon niya.

Ang kaibigan na tinutukoy ni Jef ay ang co-star niya sa Banana Nite at dating SexBomb dancer na si Sunshine Garcia, habang ang lalaki naman ay ang Kapamilya actor-singer na si Alex Castro.

Sa Facebook account post niya ngayong Huwebes, March 19, sinabi ni Jef na pumunta siya sa condo unit ni Sunshine at nakita niya sa kuwarto nito si Alex.

Lahad ni Jef sa kanyang post: “I went to Sunshine Garcia’s condo and I saw Alex Castro in her bedroom.

“He did the same thing to his ex-wife with whom he has an 8 year old son and he did the same thing to me.

"I guess this should come as no surprise."

Kung pagbabasehan ang post na ito ni Jef, malinaw na may namamagitan sa kanila ni Alex, at nahuli niyang nagtaksil ito sa kanya kasama si Sunshine.

Sa Instagram account ni Alex, makikita ang mga larawan nila ni si Jef na nagpapakita ng kanilang sweet moments, at tila nagkukumpirma na may relasyon nga sila.

Sa Facebook comment section naman ng post ni Jef, nagtanong ang ilang mga kaibigan niya kung totoo ang kanyang nadiskubre, at kinumpirma naman ito ng dating Survivor Philippines castaway.

Ipinost din ni Jef sa kanyang Instagram account ang Facebook post niya, subalit pareho nang burado ang mga ito ngayon.

Nag-tweet din si Jef ngayong araw ng mensahe tungkol sa pagkakaibigan at pagtataksil:

“Betrayal of trust and friendship. Marami namang dagat sa isang aRea ka lang naghanap ng isda?”

Ngunit maging ang post na ito ay binura na rin ni Jef.

Ayon sa isa pa niyang post sa Instagram: “The decency to tell the truth. And respecting friendships.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

The decency to tell the truth. And respecting friendships.

A photo posted by Miss J Gaitan (@jefgaitan) onMar 18, 2015 at 9:59pm PDT

Bukas ang PEP sa panig nina Sunshine at Alex tungkol sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN