Carl Guevara swears he is loveless now: "Wala talaga, as in zero!"

Carl Guevara on being loveless: “Sa akin, hindi naman ako against sa may karelasyon. Pero mas gusto ko ngayon na single ako. Kumbaga, parang bawas din sa iniintindi ko.”


Natatawa na lang si Carl Guevara kapag tila hindi siya pinaniniwalaan ng entertainment press tuwing sinasabi niyang wala siyang lovelife ngayon.

Giit niya, “Wala talaga, as in zero!

“Talagang tuldok sa ngayon, wala talagang lovelife.

“At saka, masaya na ako, totally nakapag-move on na.”

Ang tinutukoy ni Carl ay ang naging breakup nila ng Kapuso actress na si Kris Bernal.

Natutuwa ba si Carl na parang naka-move on na rin siya na tungkol sa kanila ni Kris ang madalas naitatanong sa kanya?

“Oo, nakakasawa rin kasi na every time na may interview, presscon, about Kris yung tanong.

“Parang ayaw tanungin yung about sa show!” tawa niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Pero seryoso niyang dagdag, “Masaya na ako.

“Kumbaga, tahimik na rin ang isyu about sa naging relasyon namin.”

Hanggang kailan naman kaya siya makakatiis na walang girlfriend?

“Tingnan natin, baka bukas meron na!” biro niya.

Pero dagdag ni Carl, “Hindi ko masabi, e.

“Pero ini-enjoy ko ang pagiging single ngayon.

“Kung may dumating, okey lang. Single naman ako.”

Masarap bang maging single?

Sagot niya, “Sa akin, hindi naman ako against sa may karelasyon.

“Pero mas gusto ko ngayon na single ako.

“Kumbaga, parang bawas din sa iniintindi ko.”

Hindi niya hinahanap-hanap ang may karelasyon?

“Hindi naman. Siguro kasi naniniwala ako na kung darating, darating talaga ‘yan.”

Nakausap ng PEP si Carl sa launch ng second season ng Wattpad Presents ng TV5 noong March 12.

Ikatlong Wattpad Presents episode na ni Carl ang “Heartbreaker,” kaya hindi maikakailang nagiging suki na siya sa naturang mini-series ng TV5.

Makakapareha niya rito ang YouTube sensation na si Donnalyn Bartolome.


SEX APPEAL. Natawa na naman si Carl nang sabihin namin na malakas sa mga bading ang kanyang sex appeal.

Aware ba siya dito?

“Oo naman, aware naman!” natatawang sabi niya.

Paano kapag naramdaman na niyang nagpapakita ng interes sa kanya ang isang bading?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ay, ‘pag ganun, iwas na ako.

“Actually, depende sa gay. Kung garapal o bastos na, siguro yun.

“Pero wala naman, wala namang lumalapit.

“Feeling ko nga, pati mga babae, ayaw nila sa akin.

“Hindi ko maramdaman na may gusto sila sa akin.

Tawa pa rin ni Carl, “Hindi ko alam kung ano ang kailangan kong baguhin sa sarili ko.”

Sa isang banda, patuloy sa pagwu-workout si Carl para gumanda lalo ang kanyang katawan.

Ngayon nga raw ay may six-pack abs na siya.

May pinaghahandaan ba siya?

Sagot ni Carl, “Wala naman.

“Kumbaga, parang naging part na rin talaga ng lifestyle ko.

“Ginagawa ko siya para maging healthy talaga.”

Sayang naman ang six-pack abs niya kung hindi niya ito gagamitin?

“Well, sabi ni Perry Lansigan, my manager, baka raw mag-Cosmo [Bachelor Bash].

“Puwede rin naman, kasi parang 2010 pa ako noong rumampa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN