Melissa Mendez offloaded from plane after ’punching’ co-passenger and flight attendants

Ayon sa Instagram post ng actor-athlete na si Andrew Wolff, amoy-alak daw ang aktres na si Melissa Mendez na kasabay nila sa eroplano kung saan nanapak daw ito ng flight attendant at ng kaibigan niya.


Puwersahang pinababa ng eroplano ang aktres na si Melissa Mendez matapos diumano nitong gumawa ng eksena.

Nangyari ang insidente ilang oras pa lamang ang nakalilipas ngayong Biyernes, March 20, base na rin sa Instagram post ng actor-athlete na si Andrew Wolff.

Ayon sa salaysay ni Andrew, papunta siya sa isang lugar sa Mindanao kasama ang isang kaibigan sakay ng Cebu Pacific.

Pero naantala raw ang kanilang biyahe dahil ayaw umalis sa reserved seats nila ang isang "Filipina actress" na noong una ay tinawag niya sa initials na "M.M."

Pagkatapos pakiusapan ng crew, pumayag din daw ang aktres na lumipat sa nakatalaga talaga nitong upuan.

Ngunit hindi pa rin daw ito nagpaawat at patuloy pa ring minumura ang kaibigan ni Andrew.

Dahil dito, dalawang beses daw winarningan ng flight attendants si Melissa ngunit hindi pa rin ito tumigil.

Sa halip ay sinuntok daw ng aktres ang kaibigan ni Andrew at ang flight attendants.

Dito na raw nagdesisyon ang piloto na bumalik sa airport sa Maynila upang pababain ang aktres.

Hindi man binanggit ni Andrew ang pangalan ng aktres na tinutukoy niya, makikita sa video na kanyang ipinost na ito ay si Melissa Mendez.

Narito ang buong post ni Andrew:

“I've seen some crazy things in my life.

"I regularly travel on planes for work, but this has got to be probably one of the most ridiculous things that I have experienced.

“A certain Filipina actress, past her prime may I add, decided to use our reserved seats on the plane.

"After being asked to move by flight attendants, the captain and even ground security, she agreed to go to her seat (after 30 mins. of cursing).

"Kept claiming she was some sikat na star dati with initials M.M.

“She smelled like a beer brewery, you just knew something was gonna happen...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Anyway, half way to our destination to talk to our programmer in Mindanao, this 'actress' decided to curse continually at my friend.

“She was given 2 warning cars by flight attendants, but didn't stop.

"She punched my friend and the flight attendants and had to be restrained.

"The captain announced: 'Ladies and Gentlemen, I apologize, but we have to go back to Manila due to one unruly passenger.'

"This video is of the initial offloading of this lovely character... Please note 20 ground staff were used just to offload one person. Fines include 500,000pesos and 3 years imprisonment. #WelcomeToTheGoodLife"

I've seen some crazy things in my life. I regularly travel on planes for work, but this has got to be probably one of the most ridiculous things that I have experienced. A certain Filipina actress, past her prime may I add, decided to use our reserved seats on the plane. After being asked to move by flight attendants, the captain and even ground security she agreed to go to her seat (after 30mins of cursing). Kept claiming she was some sikat na star dati with initials M.M. She smelled like a beer brewery, you just knew something was gonna happen.... Anyway, half way to our destination to talk to our programmer in Mindanao, this "actress" decided to curse continually at my friend. She was given 2 warning cards by flight attendants, but didn't stop. She punched my friend and the flight attendants and had to be restrained. The captain announced: "Ladies and Gentlemen, I apologise, but we have to go back to Manila due to one unruly passenger" This video is of the initial offloading of this lovely character... Please note 20 ground staff were used just to offload one person. Fines include 500,000pesos and 3 years imprisonment #WelcomeToTheGoodLife

A video posted by Andrew Wolff (@andrewwolff_) onMar 19, 2015 at 8:27pm PDT

Kalakip ng post niyang ito ang video na kuha sa loob mismo ng eroplano kung saan sinabihan ng piloto si Melissa na kailangan niyang bumaba sa eroplano.

Nakiusap daw si Melissa sa piloto, ngunit tumanggi ito dahil may sinaktan na siya.

Caption ni Andrew: “Captain: ‘Hindi na, bababa ka na, hindi ka puwedeng sumakay, nasakatan mo pati flight stewardess ko." #CebuPacific #NagwawalangActress #OffLoad #Drama

CEBUPAC STATEMENT. Kaugnay ng insidenteng ito ay nakakuha ng opisyal na pahayag ang PEP mula sa Cebu Pacific, sa pamamagitan ni Candice Iyog, VP for Marketing and Distribution.

Narito ang kanilang statement:

"As of March 20, 2015; 11:30AM. Cebu Pacific flight 5J 771 Manila-Pagadian returned to Manila, shortly after take-off today, March 20, 2015.

"The unruly passenger was offloaded from the flight.

"The flight departed Manila at 9:20AM and arrived at 10:37AM in Pagadian on the same day.

"CEB is coordinating with authorities regarding the incident."

Bukas din ang PEP sa panig ni Melissa Mendez kaugnay ng pangyayaring ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN