Andrew Wolff on Melissa Mendez’s offloading incident: “The evidence speaks for itself and everyone on that plane knows the truth.”

Burado na ang tatlong videos na ipinost ni Andrew Wolff sa Instagram na nagpapakita ng offloading incident ng aktres na si Melissa Mendez. Ayon kay Andrew, tila nababaligtad na ngayon ang kuwento.


Pinaninindigan ng actor-athlete na si Andrew Wolff ang orihinal niyang kuwento kaugnay ng offloading incident ng aktres na si Melissa Mendez.

Read: Melissa Mendez offloaded from plane after 'punching' co-passenger and flight attendants

Si Andrew ay pasahero rin sa Cebu Pacific flight kung saan nangyari ang insidente, Biyernes ng umaga, March 20.

Sangkot din si Andrew sa naturang insidente dahil kaibigan niya ang lalaking nakaengkuwentro ni Melissa—si Rey Pamaran.

Read: Andrew Wolff's friend speaks up over Melissa Mendez's offloading incident

Si Andrew rin ang naglabas ng mga video sa Instagram na nagpapakita ng sapilitang pagpapababa kay Melissa mula sa eroplano.

Nagpaabot na ng mensahe ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Andrew, sa pamamagitan ng Instagram at Facebook, upang makuha ang kanyang panig. Ngunit hindi pa rin siya sumasagot.


“I DON’T NEED YOUR COMMENTS.” Dahil sa pagkakasangkot niya sa insidente ay inuulan ng batikos ngayon ang Filipino-British actor-athlete.

Ilang oras pa lamang ang nakararaan, nagdagdag ng caption si Andrew sa pangalawang video post nito sa Instagram, kung saan pinapababa na si Melissa sa eroplano.

Nagbigay rin ng mensahe ang Mister World 2012 1st runner-up sa kanyang "haters":

“Sa mga hater diyan. Unfollow me. I don't need followers. I don't need your comments.

"Bago umabot ito sa pagbabaliktad ng istorya at kami pa ang tirahin ng ibang media dahil sa maling kuwento, ito na ang ebidensiya para sa inyong lahat."

Dagdag pa ng actor-athlete, hindi dapat iangkla ang usapin sa pagiging babae ni Melissa dahil mali ang ipinakita nitong asal.

“Tahimik kami at walang ginagawang masama dun.

"Ipinagmumura at inaaway ang kasama kong boss at ako hanggang sa masaktan ang boss ko.

"Kahit nanay or lola pa 'yan, unacceptable behaviour ito.

“Now, before you netizen haters continue with unwanted opinions, di kami magpapa-interview 'cause we don't have time for this nonsense and hindi namin hiling na sumikat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“The evidence speaks for itself and everyone on that plane knows the truth... To the others, salamat sa inyong support...”

Bandang 8:20 ngayong gabi, binura na ni Andrew ang tatlong video posts niya sa Instagram.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN