Eyewitness reveals version on Melissa Mendez offloading incident

Na-provoke nga ba si Melissa Mendez ni Rey Pamaran o bigla na lamang itong nagwala? Nakainom ba siya? Ilan lamang ito sa mga tanong ng Netizens tungkol sa pagkaka-offload ng aktres mula sa Cebu Pacific flight going to Pagadian City noong March 20.


"He said this...she said that..."—sino kina Melissa Mendez at Rey Pamaran ang nagsasabi ng totoo?

Sa inilabas na pahayag ng dalawa, magkaiba ang kani-kanilang bersiyon tungkol sa dahilan ng pagkaka-offload ng aktres mula sa Cebu Pacific plane noong March 20.

Na-provoke nga ba si Melissa ni Rey? Nakainom nga ba ang aktres? Sinu-sino ang mga nasaktan?

Isang source ang nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kagabi, March 21, hinggil sa isyu.

Hiniling nito na huwag na lang siyang pangalanan dahil hindi naman siya involved. Ang layunin lang daw niya ay maikuwento sa publiko ang bersiyon mula sa isang eyewitness.

Panimula niya, naunang umakyat ng eroplano ng Cebu Pacific si Melissa at kasamahang si Malu Barry.

Pagdating umano sa loob, umupo si Melissa sa seat 1A.

Nagsimula ang komosyon nang dumating si Andrew Wolff at ang kaibigan nitong si Rey Pamaran, na siya palang nag-reserve ng seat 1A.

Nang sabihan daw ang aktres na bakantehin ang kanyang kinauupuan, naringgan daw itong nagsabi na kung puwede ay doon muna siya dahil gusto niyang makuhaan ng picture ang clouds. Ang seat nitong 2B ay nasa gitna, at hindi window seat.

Hindi raw pumayag sina Rey dahil kailangan nila ng "leg room."

Nagpatuloy daw ang diskusyon na inabot ng halos 30 minutes.

Malakas umano ang boses ni Melissa, na naringgan pang nagtanong kung hindi ba siya kilala at "sasampalin mo ako?"

Sa panig ng aktres, sinabi niyang malumanay itong nakiusap na payagan siyang umupo sa nasabing seat pero sinagot daw siya ni Rey na hindi puwede at kung hindi ito lilipat ay binantaang hahampasin ang aktres ng bag.

Read: PEP EXCLUSIVE. Melissa Mendez tells her side of the story in offloading incident; denies slapping flight attendants

Sa Facebook post naman ni Rey, sinabi niyang matapos pakiusapan si Melissa na lumipat sa kanyang upuan, agad daw itong nagalit, pinagmumura siya, at gumawa ng eksena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Andrew Wolff's friend speaks up over Melissa Mendez’s offloading

Humupa raw ang galit ng aktres nang sitahin at sinabihan siya ng airline na iiwanan siya kung hindi nito makakalma ang sarili.

Nung nasa himpapawid na raw sila, habang naka-seatbelt sign pa rin ang eroplano, nakita raw si Melissa na inabot ang ulo ni Rey.

Ang hindi malinaw sa source ay kung may sinabi nga ba si Rey para ma-provoke si Melissa.

Nung puwede nang tanggalin ang seatbelt, nakitang tumayo ang aktres.

Maya-maya ay may komosyon ulit. Nung sinabi raw ni Rey na mag-mouthwash siya, sinampal ito ni Melissa, na inaawat na ng mga flight attendants nung sandaling iyon.

Matatandaang sa bersiyon ni Melissa, sinabi niyang noong nasa himpapawid na sila, nagpaalam daw siya sa stewardess na tatayo siya at kakausapin si Rey upang magkaayos sila.

Paglapit daw kay Rey, tinanong niya ito kung bakit niya sinabing hahampasin siya ng bag kahit na maayos ang kanyang pakiusap na kukuha lang siya ng picture ng clouds.

Sinagot daw siya ni Rey na huwag lumapit at bad breath ito, kaya nagalit si Melissa at sinampal si Rey.

Natigil lang daw ang kaguluhan nang i-anunsiyo ang piloto na kailangan nilang bumalik muli sa Maynila upang ibaba ang isang "unruly passenger."

Sa mga report na lumabas na nanakit si Melissa ng flight attendants, sinabi ng source na posible dahil pinipigilan siya ng mga ito pero "unintentional."

Dugtong pa ng source, dahil sa pagpupumiglas niya ay posibleng nagkaroon rin daw ng pasa si Melissa.

Nakainom ba ang aktres?

Sagot ng source, "Mukha lang, pero parang hindi naman..."

Bukas ang PEP sa anumang dagdag na pahayag ng mga taong sangkot sa isyu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN