Jinkee Pacquiao and kids arrive in Los Angeles; excited to see newly-purchased Beverly Hills mansion

Jinkee Pacquiao on Manny’s newly-purchased Beverly Hills mansion: “Excited na kaming makita iyon. Mga photos pa lang ang nakikita ko. Yung master bedroom ang photo na pinadala sa akin ni Manny. Pero noong makita ko sa TV yung bahay, maganda siya at approved na sa akin yung house.”


Nasa Los Angeles, California na ang buong pamilya ng Pambansang Kamao na si Manny “Pacman” Pacquiao.

Dumating sa LAX (Los Angeles International Airport) noong March 20 ng gabi ang misis ni Pacman na si Sarangani Vice Governor Jinkee Pacquiao kasama ang kanilang limang anak na sina Eman, Jimuel, Princess, Queenie at Israel.

Kasama si Pacman sa sumundo sa kanyang pamilya at kaagad niyang kinarga ang bunsong anak na si Israel.

Inamin ng eight-division world boxing champion na miss na miss niya ang kanyang mga anak, lalo na ang kanyang bunso dahil ilang linggo rin siyang nawalay sa mga ito simula noong nagsimula mag-training para sa laban nila ni Floyd Mayweather Jr. on May 2 sa Las Vegas, Nevada.

Kahit pagod sa biyahe, humarap naman si Jinkee kasama si Pacman sa isang interview with Balitanghali Weekend ng GMA NewsTV.

Ayon kay Jinkee, excited na ang mga anak nilang makarating sa L.A. dahil sobra na nilang nami-miss ang kanilang ama.

“Si Manny naman kasi, ang mga bata kaagad ang hinaharap niya kapag nasa bahay na ‘yan.

“Parati silang naglalaro ng mga 'yan, lalo na sa bunso naming si Israel.

“Walang moment na hindi kasama ni Manny ang mga anak namin.

“Kaya pagdating nga namin dito, sabay-sabay silang yumakap sa kanya.

“Masaya ang feeling kasi buong pamilya kaming nandito para suportahan siya sa nalalapit niyang laban kay Mayweather,” saad niya.

EXCITED DAUGHTER. Kuwento pa ni Jinkee na ang anak pa nilang babae na si Princess ang siyang pinaka-excited sa laban ni Manny kay Mayweather.

“Yun nga ang nakakatuwa kasi si Princess pa ang talagang naghintay sa laban na ito.

“Yung mga boys namin, cool lang sila sa laban na ito. Pero si Princess yung pinaka-excited sa lahat.

“Kahit sa TV lang sila nanonood, si Princess yung makikita mong pinakana-e-excite tuwing may laban si Manny.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayoko namang isipin na gusto niyang maging boksingera paglaki niya.

“Kung sa dalawang boys nga namin ay bawal ang boksing, lalo naman sa kanya,” sabay tawa ni Jinkee.

DISCOURAGING KIDS FROM FOLLOWING IN PACMAN'S FOOTSTEPS. Pareho ngang pinagbabawal nina Jinkee at Manny na pasukin ng dalawang anak nilang lalake ang pagiging professional boxer.

Para kay Manny, tama na raw yung siya na lang ang nasa trabahong ito.

“Marami silang puwedeng gawin na dahil mapu-provide ko sa kanila iyon.

“Huwag nila akong gayahin dahil noong kaedad ko sila, wala akong choice kundi pasukin ang pagiging boksingero.

“Gusto kong mabigay sa kanila ang pinakamagandang edukasyon.

“At gusto rin namin ng mama nila na maging malapit sila sa Panginoon,” pahayag ni Pacman.

Dagdag pa ni Jinkee na minsan ay nagpaalam ang panganay nila sa kanya para mag-aral ng boxing. Paliwanag naman daw ni Eman na for self-defense naman daw iyon.

“Siyempre kinabahan ako dahil aware naman sila na pinagbabawal namin sa kanila ni Jimuel ang mag-boxing.

“Noong sinabi naman niya na pang-self defense raw iyon, pinayagan ko na. Pero other than that, hindi sila puwedeng sumunod sa yapak ng papa nila.

“Gawin na nila ang lahat, huwag lang ang maging boksingero,” diin pa niya."

STRENGTHENING RELIGIOUS FAITH. Mas gusto ni Jinkee na maging aktibo sa simbahan ang kanilang mga anak, tulad ni Pacman ngayon na malaki ang takot at pananampalataya sa Panginoon.

“Hindi naman sa gusto namin silang maging pastor in the future. Gusto lang namin ni Manny na maging buo ang tiwala nila sa Panginoon.

“Sa lahat naman ng ginagawa natin, nandiyan ang Panginoon. Hindi puwedeng ibale-wala natin iyon.

“Maging successful ka man, kung wala kang faith sa Panginoon, parang wala ring mangyayari sa buhay mo, ‘di ba?

“Kaya natutuwa naman kami ni Manny dahil masunurin naman ang mga anak namin. Kapag sinabi namin na magdadasal kami, nakahanda na sila,” ngiti pa ni Jinkee.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NEWLY-PURCHASED MANSION. Ngayong Sunday nga raw dadalhin ni Pacman ang kanyang buong pamilya sa binili niyang bagong mansion sa Beverly Hills.

Ito ay ang $12.5 million mansion na dating pag-aari ng rap artist na si Sean “P. Diddy” Combs.

“Excited na kaming makita iyon,” mabilis na sagot ni Jinkee.

“Mga photos pa lang ang nakikita ko. Yung master bedroom ang photo na pinadala sa akin ni Manny.

“Pero noong makita ko sa TV yung bahay, maganda siya at approved na sa akin yung house.

“Sabi nga ni Manny na magugustuhan ko raw yung bahay. Alam naman niya yung taste ko sa mga gamit, e.”

PRAYING FOR PACMAN'S VICTORY. Sa magiging laban ni Pacman kay Mayweather, hindi magbibigay ng anumang prediction si Jinkee dahil pinapaubaya niya ang lahat sa Panginoon.

“Never naman akong nag-predict sa mga laban ni Manny.

“Hindi ako gano’n dahil naniniwala ako sa power ng pagdadasal.

“Kung anuman ang mangyari, ang gusto lang namin ng mga anak niya na maging safe siya.

“Sa nakikita ko namang training niya ngayon, mas intense si Manny. Nandoon talaga ang focus niya.

“But of course, yung pagdarasal ay hindi namin nalilimutan gawin.”

RUNNING FOR SENATOR? Nilinaw naman ni Pacman ang balitang kumakalat na tatakbo siya bilang senador sa susunod na national elections.

Iginiit ni Pacman na wala pa raw siyang nagiging desisyon.

“Kapag senador na kasi, buong bansa na ang magiging responsibilidad mo.

“Marami pa akong responsibilidad para sa pamilya ko at sa ibang mga tao na nangangailangan ng tulong natin.

“Iyon lang naman ang hangad ko, yung makatulong sa maraming tao.

“Ayoko namang iwan ang mga 'yan dahil sa maghangad ako ng mas mataas na posisyon.

“Pinapaubaya ko ang lahat sa Panginoon.

“Kung saan Niya ako gustong mag-serve para mas marami akong matulungan, iyon ang susundin ko.

“Ayoko yung mapapabayaan ko ang aking pamilya na siyang pinakaimportante sa buhay ko,” deklara niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN