Vice Ganda defends Toni Gonzaga’s "non-traditional" pageant hosting style

Vice Ganda on Toni Gonzaga’s "non-traditional" pageant hosting style: “Si Toni ang bumuhay ng buong Araneta ng napakahabang oras. Kung alam ninyo lang kung ano ang ginawa ni Toni. May mga ginawa si Toni na ’di na kasama sa binayaran sa kanya nung gabing iyon.”


Nanuna nang dinepensahan ni Vice Ganda si Toni Gonzaga bago pa man nagbigay ng official statement ang host/actress/singer tungkol sa naging hosting style nito sa Bb. Pilipinas 2015.

Nakausap si Vice Ganda ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa nakaraang birthday special ng Gandang Gabi Vice (GGV) nung nakaraang Miyerkules, March 18, sa Music Museum.

Bilang isa sa mga judges, napakalaking tulong daw ang ginawa ni Toni para hindi maging boring at kainip-inip ang nasabing beauty pageant.

“Normal na normal yun.

“Laging mayroon at mayroon talagang 'di makakagusto sa kahit na ano pang ginagawa natin.

“Kahit na ano pang pinakasimpleng bagay, mayroon at mayroon mag-e-enjoy at makaka-appreciate.

“Yung dalawang sides, nauunawaan ko kasi kunwari miyembro ka ng Bb. Pilipinas organization, siyempre gusto nila seryoso, prestigious, gusto nila formal kaya maaring 'di nila magustuhan.

“Pero kung audience ka sa bahay, gusto mo yung pinapanood mo entertaining, buhay na buhay, masaya.

“Gusto mo nanonood ka na nakangiti ka kaya marami din ang nag-enjoy for sure. Mayroong hindi siguro pero sigurado ako na maraming nag-enjoy.

“Kahit yung mga taga-ABS mismo, naaliw lalo na nung nagde-deliberation na ang tagal-tagal na walang nangyayari kasi nagde-deliberate kami.

“Si Toni ang bumuhay ng buong Araneta ng napakahabang oras.

“Kung alam ninyo lang kung ano ang ginawa ni Toni. May mga ginawa si Toni na 'di na kasama sa binayaran sa kanya nung gabing iyon,” pahayag ni Vice.

Iseselebra ang kaarawan ni Vice Ganda sa darating na March 30 pero mapapanood ang two-part birthday special niya sa GGV sa darating na March 29 at April 5.

THANKFUL FOR B-DAY SPECIALS. Labis naman ang pasasalamat ni Vice sa paghahanda ng GGV family ng specials para sa kanyang kaarawan. Halos lahat nga ng guests ay malalapit niyang mga kaibigan

“Thank you, ang saya lang kasi laging naghahanda ang GGV family ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang Showtime din naman naghahanda ng espesyal para sa akin tuwing birthday so sobra kong naa-appreciate, nakaka-special.

“Oo, sila Toni, Coco, sila Pooh, sila Chokoleit.

“Masaya lalo na special itong araw na ito, gusto mong makasama ang mga tao na gusto mong makita.

“Lalo na sila Coco and Toni, bihira ko silang makita kaya nagpapasalamat na mayroon akong birthday kaya may dahilan para makita ko sila.”

BIRTHDAY WISH. Agad naming tinanong ang komedyante kung ano ang kanyang birthday wish at kung paano niya iseselebra ang espeyal niyang araw.

“'Di ko alam, e.

“Ewan ko, ang saya-saya ko kasi ngayon.

“Okay ako. Ang wish ko ay health na lang.

“Health para matuloy yung lahat ng ginagawa ko para ma-serve ang purpose ko, ang purpose ng buhay ko, at para makagawa ako ng mga bagay na ikasasaya ni Lord.

“Nasa America kasi ako sa birthday ko mismo. Mayroon akong concert tour.

"Sa March 27, aalis ako ng Pilipinas so dun na ako aabutan ng birthday ko kasama ang nanay ko at mga kapatid ko,” detalye niyang kuwento.

TWO BOYFRIENDS? Sa segment nila nina Coco at Toni ay nagbiro ang aktor na dalawa ang nagmamay-ari ng puso ni Vice ngayon.

Agad namang klinaro sa amin ng TV host na isa lang ang boyfriend niya sa ngayon.

Natatawa niyang sabi, “Ewan ko diyan, ewan ko diyan kay Coco.

“Sabi ko nga sa kanya, 'Nagha-hire ka ba ng NBI?'

“Ang dami niya talagang alam. Minsan tatawag na lang sa akin ‘yan, 'Oy, totoo ba yung ganyan?'

“Minsan natatawa na lang ako, tutok na tutok siya sa akin. Pero hindi, hindi naman dalawa.

“Boyfriend, oo, dapat mayroon.

"Gift? Wala. Happiness yun, ang laging gift niya sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN