Andrew Wolff issues final statement on offloading incident involving Melissa Mendez: “Wala kaming kasalanan sa kanya.”

Excerpt from Andrew Wolff’s final statement on offloading incident involving Melissa Mendez: “The fact is, hindi po siya binastos or binully...Wala kaming kasalanan sa kanya.”


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andrew Wolff sa telepono kagabi, March 20, pagkatapos niyang tanggalin ang video post, na nagpapakitang pinapababa ng piloto si Melissa Mendez mula sa Cebu Pacific plane.

“Ang daming nagba-bash po sa akin, tinanggal ko na lang.

“Lalo pa akong tinitira sa social media,” pakli ng dating modelo na miyembro ngayon ng Philippine Volcanoes rugby team.

“That's the whole truth. Hindi naman kami nag-imbento, e,” sabi pa nito.

Nakatakda sanang kapanayamin si Andrew ng Startalk, pero tumanggi na ito dahil mas mabuting ang magsalita ay ang mga taga-Cebu Pacific at ang mga pasaherong nakasaksi rin sa nangyari sa loob ng eroplano.

Kaninang umaga ay dumating mula Pagadian City si Andrew, at narito ang kabuuan ng statement na ipinadala niya sa Startalk.

“Dear viewers of Startalk,

"I want to clear up the issue involving Melissa Mendez and maybe place some logic into the whole affair.

"Nung Biyernes ng umaga, sumakay po kami sa eroplano peacefully, to attend a meeting in Pagadian by lunch. Most of you know my side of the story pero bina-bash na po ako ng mga fans nila ng anak niya.

"I too have a daughter, fiancee, mother, that I love with all my heart.

"Ganito po yung totoong nangyari with no disrespect to Ms. Melissa.

"Ms. Melissa claims to have been disrespect that I didn't recognize her during the incident. My fault for not knowing all showbiz stars here. I am not involved in showbiz na po kasi.

"I never said or did anything bad towards her. The other passengers and flight attendants can attest to that.

"Meron siyang nasaktang tatlong tao. Kami po, wala kaming ginawa sa kanya.

"We were not issued any warnings by Cebu Pacific staff.

"Unfortunately, Ms. Melissa was given 3 warnings to sit down or otherwise be ejected sa flight.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung naagrabyado po siya, sana kami din po ang pinababa ng eroplano at sana kinonfront din po kami ng ibang mga pasahero.

"Kung may makita hang binabastos na babae, 'di mo ba ipagtatanggol?

"The fact is, hindi po siya binastos or binully.

"Kasama po namin sa flight ang apat na kaibigan niya hanggang Pagadian.

"Hindi po nila kami kinonfront or inaway sa pag-eject ni Ms. Melissa sa buong flight hanggang Pagadian kasi wala pong rason para i-confront kami. Wala kaming kasalanan sa kanya.

"Hindi naman po kami pinababa o kinuwestiyon ng police dahil we were sitting there peacefully waiting to get to the destination. Walang nakitang masama ang staff ng Cebu Pacific sa actions namin.

"Sapat na po ang statement na ito at hindi na po namin kailangan pa magpa-interview dahil naniniwala po ako na lalabas din ang buong katotohanan.

"Ang mga taga-Cebu Pacific at mga pasaherong kasabay ang makapagpatunay kung ano po ang nangyari.

"Kung ano man po ang susunod na sasabihin ni Ms. Melissa, wala na po kaming balak na sagutin pa.

"Ang mga taga-Cebu Pacific na po na walang kinakampihan ang makapagbigay ng totoo, walang labis at walang kulang na salaysay.

"These are the facts and maraming salamat po.”


SUPPORTING EVIDENCE. Pagkatapos niyang ipadala ang naturang statement, nagpadala rin si Andrew sa Viber ng litrato at video na kuha raw ng ibang pasaherong nakasaksi.

Text ni Andrew, “Kita n'yo po closed ang pinto ng plane at wala na po ang ground staff. So ibig pong sabihin, nasa himpapawid na po.”

May video rin siyang pinadala mula rin daw sa isang pasahero na may caption na, “Here is Rey waiting patiently before the flight while ground staff fixed the issue and tried to talk nicely to Melissa.”

Tinanong na rin namin si Andrew kung ano ang sagot nito sa sinasabi ni Melissa na na-bully siya, threatened, at harrased.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot nito, “''Di ko po narinig yun. As you can see lumayo ako sa may kabilang pinto ng plane. Iwas gulo po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN