Rhian Ramos finally open to talking about cases against DJ Mo: "Finished everything. I won. It’s done in my past.”

A year after the court approved her petition for a Temporary Protection Order against DJ Mo Twister, Rhian Ramos is ready to talk about the issue again. She says, "I feel protected, I feel safe. I feel like my family is also... you know, as long as I keep them at a safe distance... we’re all happy now."


Isa sa mga araw na ito ay posibleng mailatag na ang bagong teleseryeng gagawin ni Rhian Ramos sa GMA.

Hindi pa lang makapagbigay ng detalye ang aktres dahil nasa proseso pa lang sila ng pag-uusap.

Huling napanood si Rhian Magpakailanman opposite Dennis Trillo noong March 14. Bago nito, ang pinakahuli niyang serye ay ang My Destiny, na natapos noong October 2014.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Rhian sa launching ng Toledo Collection MAC Cosmetics na ginanap sa SM Aura Premier sa Taguig kamakailan, sinabi nitong abala rin siya sa ibang bagay kaya hindi siya nakaramdaman ng pagkainip.

Kasama rin sa naturang event ang ilang celebrities tulad nina Janine Gutierrez, Maxene at Saab Magalona, na kasama ang kanilang inang si Pia, at marami pang iba.

Kuwento ni Rhian, “I’m doing a motoring show dahil siguro no'ng nagsimula yun sa Vios Cup, and then I became a fan of cars already somehow.

“And then I’m doing a motoring show on GMA NewsTV which is once a month.

“Pero hindi pa siya umeere. Taping pa lang kami. Siguro nakadalawang episode pa lang.”

Ayon kay Rhian, “welcome break” daw sa kanya ang pagkakabante sa showbiz.

“Because I’m kinda busy with other things that are not showbiz-connected.

“So I kinda needed that time also. Good timing.”

IN A RELATIONSHIP. Pagdating naman sa kanyang personal life, aniya, it "actually is very good and I’m dating someone."

Dugtong pa ng aktres, "He’s not showbiz, he’s very private.

“He grew up here but he’s full Chinese.”

Tinanong namin si Rhian kung boyfriend na niya ang kanyang tinutukoy.

“Ahm, well, we’re pretty much already in a relationship starting January,” pagkumpirma niya.



TPO AGAINST DJ MO TWISTER GRANTED. Nang kumustahin naman namin ang tungkol sa kaso nila ng ex-boyfriend niyang si DJ Mo Twister, nakangiting sumagot si Rhian ng, “Finished everything. I won. It’s done in my past.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kailan natapos ito?

Sagot niya, “Siguro a year ago na.”

Bakit parang hindi yata ito pinag-usapan sa media?

Paliwanag niya, “I didn’t talk about it. I was happy na, e. I felt like, 'Okay, I got it and I’m fine.'”

Ang kasong protection order ay isinampa niya kay DJ Mo tatlong taon na ang nakakaraan. Umalis ng bansa ang radio jock patungong Amerika at hindi pa ito nagbabalik simula noon.

Matatandaang noong December 2011 ay kinasuhan ni Rhian through her lawyer, Atty. Lorna Kapunan, si DJ Mo ng paglabag diumano sa Republic Act 9262 o ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004.

Kaugnay nito ay humingi rsi Rhian ng Temporary Protection Order para pigilan si DJ MO na maglabas pa ng mga tinatayang mapanirang pahayag laban kay Rhian.

READ STORY Rhian Ramos: "I think more than what the people have seen, I have been hurt over a longer period of time, unnecessarily, and I think, undeserved."

Nangangahulugan ba itong hindi na puwedeng umuwi dito si Mo at hindi na siya puwedeng lumapit kay Rhian?

“I suppose he can but... I don’t know.

“For as long as he’s not in my vicinity,” na ang tinutukoy niya ay ang protection order.

Masaya ba siya sa naging desisyon?

“Yes, absolutely. I’m very happy. I feel better, I feel protected, I feel safe.

“I feel like my family is also, you know, as long as I keep them at a safe distance...We’re all happy now,” saad niya.

Nasa happy mood si Rhian sa pagsagot ng mga tanong tungkol sa kaso niya kay Mo pero nakiusap din siyang huwag nang masyadong pag-usapan ito dahil tapos na at nakuha na niya ang kanyang gusto.

Napatawad na ba niya si Mo?

“For me, its so far from my past that I’ve forgotten already.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m in a real good place. I mean, hello? This like you’re asking this four years already down the line.

“Yes, I feel like I’m pretty old for this.”

Sabi naman ng kanyang PR girl na si Lana Johnson, baka raw mag-react na naman ang side ni Mo kaya sapat nang kinatigan ng korte ang kaso nito laban sa radio personality.

Napatawad na rin ba ni Rhian ang mga taong nakasakit sa damdamin niya?

“I really have no hard feelings about anything in life. It’s not my style.

“I guess I’m a believer in God. God gives me only specific things that he believes will only better me.

“I’m not a bitter kind of person,” deklara pa niya.

OPEN TO WORKING WITH MARIAN. Bukas na rin daw si Rhian sa posibilidad n makatrabaho si Marian Rivera.

“I’ve never been asked to. But yes, I’m open to it and I’ve worked with her na before pero very fast lang, for Panday.

“But, yeah, everyone that I’ve worked with before is exciting for me because alam kong I’ll learn a lot.

“Kasi everyone has a different style that you have to adjust to.

"That’s always good for me, that’s why I always like to work with people that I’ve never worked with.”

Matatandaang noong 2013, nagkaroon ng isyu sa pagitan ng dalawa noong binisita ni Marian si Dingdong Dantes sa set ng Genesis, at inisnab daw niya ang leading lady na si Rhian.

Agad ding nagkabati ang dalawang aktres nang magkita sila sa first birthday ng anak ni Aubrey Carampel.

Pero nagkaroon ba sila ng communication ni Marian pagkatapos noon?

“Ahm, we haven’t really had any reason to contact each other.

“I mean, hindi rin naman kami nagbati. Because we were like, 'O, ano? May problem ba?' 'Hindi, wala.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“O, yun naman pala, e. Wala naman pala. You know, we were like... it was just pretty, weird and funny, and pleasant.

“So parang we realized na, 'Fine,' and then goodbye.”

Ibig ba niyang sabihin ay magbabatian sila pag nagkita sila?

“Yeah, we will greet each other and we will say hi. I wouldn’t say were close.

“We will make kuwentuhan about things. We will just say hi.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN