Jenny Miller on resemblance to 2015 Bb. Pilipinas-Universe Pia Wurtzbach: “Wow! Pang-Miss Universe pala ang beauty ko!”

Jenny Miller (left) recalls past experience with newly-crowned 2015 Bb. Pilipinas-Universe Pia Wurtzbach: “I used to work with her sa ABS-CBN noong bagets pa siya. Pia Romero ang name na gamit niya before. Nagulat nga ako kasi noon, mga mahiyain pa ang mga batang ‘yan. Ngayon, ang ganda-ganda na niya at nanalo pa siya.”


Four years nang kasal ang aktres na si Jenny Miller pero hanggang ngayon ay hindi pa sila nabibiyayaan ng anak.

Noong December 2010 ay nagka-miscarriage ang aktres, at labis na ikinalungkot niya ito at ng kanyang asawa.

“Yun na nga lang ang kulang sa amin ng hubby ko, yung magkaroon ng baby.

“Kung hindi lang sana ako nagka-miscarriage, four years old na sana ang baby namin, ‘di ba?

“Pero hindi naman kami nawawalan ng pag-asa. Alam ko na hinahanda lang kami ni Lord para sa magiging baby namin.

“Hindi na kami masyadong nagta-try tulad noon. Though hindi rin naman kami nagku-control. Siguro hindi pa right time para mabiyayaan kami ng baby.

“Darating naman ‘yan sa tamang panahon,” positibong sabi ni Jenny nang makakuwentuhan ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) over Facebook last March 20.

BUY AND SELL BUSINESS. Huling napanood si Jenny sa teleserye ng ABS-CBN na Hawak-Kamay at sa Wattpad Presents My Fiancé Since Birth ng TV5.

Ngayong wala pa siyang bagong trabaho sa TV, tumutulong siya sa business ng kanyang mister.

“Nasa buy and sell ng cars ang hubby ko. Kaya kapag hindi ako busy sa TV, ang business niya ang inaasikaso ko.

“Ako ang gumagawa ng ads at ng ilang paper works.

“Maganda nga ang gano'n kasi nakakapag-bonding kaming dalawa.

“Minsan kasi kapag may taping ako, hindi kami masyadong nakakapagkuwentuhan.

“Nami-miss ko 'yon especially kapag nagta-travel kaming dalawa.

“Ngayon at wala muna akong pinagkakaabalahan na teleserye, madalas na kaming magkasama at ngayong summer, marami na kaming napupuntahan.

“Kailangan din namin ito para ma-relax kami at mawala ang stress.

“Magandang paraan daw 'yon kung gusto naming magkaroon na ng baby,” dagdag pa niya.

COMMUNICATION WITH CLAUDINE AND RAYMART. Natanong din namin kay Jenny kung nagkaroon na ba siya ulit ng communication sa estranged couple na sina Raymart Santiago at Claudine Barretto?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Close friends ni Jenny at ng kanyang mister sina Raymart at Claudine. Madalas pa nga silang bumiyaheng magkakasama noon.

“Si Raymart, medyo nanahimik lang noong nagkaroon sila ng problema. Ngayon nagkikita na kami kasi may common group of friends kami.

“He looks okay. He’s working and he looks happy na. Maganda naman yun.

“Si Claudine lang talaga ang hindi ko pa nakikita or nakakausap.

“Matagal na kaming walang communication. May two years na yata.

“Whatever happens naman, she is still my friend at ninang pa rin ako ng mga anak nila ni Raymart.

“If she feels like communicating with me again, walang problema. Welcome siya parati sa buhay namin ng asawa ko,” pagtiyak pa ni Jenny.

PIA WURTZBACH LOOK-ALIKE. Natawa si Jenny nang sabihin namin sa kanya na may hawig siya sa nanalong Bb. Pilipinas-Universe 2015 na si Pia Wurtzbach.

“Wow! Pang-Miss Universe pala ang beauty ko!” tawa pa niya.

“Kilala ko 'yang si Pia. I used to work with her sa ABS-CBN noong bagets pa siya. Pia Romero ang name na gamit niya before.

“Nagulat nga ako kasi noon, mga mahiyain pa ang mga batang ‘yan. Ngayon, ang ganda-ganda na niya at nanalo pa siya.

“May it open new doors of opportunities for her and I pray that she do her very best when she competes in the Miss Universe,” panalangin niya para sa newly-crowned beauty queen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN