Ken Alfonso admits jealousy issues among Mercator talents

Ken Alfonso enjoys globe-trotting for Touchdowntravel show. He says, “Pangarap ko lang po dati ang Europe. Kaya hindi ko akalain na makakapunta ako. Sabi ko nga, makakita lang ako ng snow, okey na ako.”


“Dreams do come true talaga.”

Ito ang nakangiting pahayag ng Kapuso star na si Ken Alfonso dahil sa bago niyang travel show sa GMA News TV, ang Touchdown, na nag-pilot na kahapon, March 21, 11:30 ng umaga.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ken sa Chef Noodles, sa Robinsons Magnolia noong March 18.

Ipinapanood na rin sa press ang naging pilot episode nila na ang location ay sa pinakamalaking ship ng Star Cruises, ang Super Star Virgo mula sa Hong Kong.

Ayon kay Ken, “Masyado po akong happy.

“Isa sa pangarap ko talaga ang magkaroon ng travel show at gusto ko rin mag-host at the same time.

“Nakakatuwa po, sobrang overwhelming.”

Hindi ba siya nahirapan o nanibago dahil unang beses niyang mag-host?

Pag-amin ni Ken, “At first, medyo nahirapan ako dahil hindi ko alam ang proper execution ng hosting in terms of travel show.

“But as I did my research din naman po sa mga ganitong klase ng trabaho, in a way, naa-apply ko rin naman siya.

"At the same time, nagiging natural na."

Bukod sa Hong Kong, mapapanood din daw sa mga susunod niyang Touchdown episodes ang mga nai-tape na nila sa Japan, France, Germany, Northern Ireland, at London.

Si Ariella Arida ang nakasama niyang guest co-host sa cruise, samantalang si Venus Raj naman ang kasama niya sa London, at si Pia Wurtzbach sa Japan.


TRAVELS. Ayon kay Ken, mahilig na siyang mag-travel kahit noon pa dahil sa dati niyang trabaho sa marketing. Pero kadalasan daw, sa Asian countries lang siya nakakapunta.

Hindi raw niya inakalang makakapunta siya ng Europe dahil sa Touchdown.

Sabi pa ni Ken, “Pangarap ko lang po dati ang Europe.

“Kaya hindi ko akalain na makakapunta ako.

“Sabi ko nga, makakita lang ako ng snow, okey na ako.”

Kung may mga bansa pa siyang gustong mapuntahan at mai-feature sa show niya, ano ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto ko po sa Greece, sa Santorini, sa Africa. Para yung mga animals naman, parang extreme adventures,” sabi niya.


CO-HOSTS. Kung mayroon daw siyang gustong maging co-host sa Touchdown, ito ay walang iba kung hindi ang lumaban sa Binibining Pilipinas na si Winwyn Marquez.

Sabi ni Ken, “Isa po kasi siya sa mga babaeng talents ng Mercator na hindi ko pa nakakasama and, I think, magdya-jibe rin kami.

"Kasi parehas din kaming makulit, parehas kaming parang batang-isip pa.

“Pero not in bad things, but in good things.”

Si Pia ay nakasama na rin niya sa Japan. Ano ang naramdaman niya nang manalo itong Miss Universe-Philippines?

“Sobra akong proud. Kasi hindi naman namin napag-uusapan ‘yan.

“Taping lang kami. Kaya sobra kong proud sa kanya. Nagulat.

“At yun, nag-post nga po ako sa Instagram and I told na, yun nga, congratulations sa kanya.”


POSITIVE MINDSET. Ang producer ng Touchdown ay ang tinaguriang beauty queen maker at manager ni Ken sa Mercator na si Jonas Gaffud.

Hindi kaya posibleng pagsimulan ng selos o inggit ang pagiging host niya ng isang travel show, na mismong manager nila ang nagprodyus, sa dami nilang talents ng Mercator?

Pag-aanalisa ni Ken, “Siguro ngayon po, ang iniisip ko na lang po, ang mga bagay na makakapagbigay sa akin ng magandang pag-iisip.

“Let’s say kasi, kapag iniisip ko pa ang mga ganyang bagay, nakakahadlang sa pag-grow ng career.

“So far, sa ngayon po, wala akong iniisip na ganyan.

“Ang iniisip ko lang po, focus ako sa goal ko na ma-establish ang Ken Alfonso as a good actor.

“As long as ginagawa ko po ang job ko, wala akong ginagawang masama, inaapakang tao, siguro doon na lang po ako magpu-focus.”

Dugtong pa niya, “Kasi, kahit ano naman ang gawin ko, meron at meron pa rin masasabi ang ibang tao.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


JEALOUSY AMONG MERCATOR TALENTS? Nararamdaman niyang may ibang talents ng Mercator na naiinggit sa kanya?

Ayon kay Ken, “Siguro magiging ipokrito ako kapag sinabi kong hindi. Meron at meron naman pong talaga.

“Pero hindi naman po sa pagiging mayabang, pero may mga bagay naman po talaga na kahit ano ang gawin ko, hindi ko naman po mapi-please ang ibang tao.

“As long as, yun nga po, ginagawa ko lang ang trabaho ko.”

Ano ang ginagawa ni Ken kapag may mga ganitong nararamdaman ang kasamahan niya?

Sabi niya, “Iniisip ko na lang po na this is part of my job.

"Wala po tayong magagawa, may mga ganun talagang bagay."


Nararamdaman ba niyang paborito siya ngayon ng kanyang manager sa lahat ng talents ng Mercator?

“Ay, very open naman po siya dun na favorite niya ako!” natawang sabi niya.

Pero bawi niya, “Joke lang po.”

“Pero siguro talagang may ganun naman po.

"Kasi kahit sa mga beauty queens niya, meron din siguro siyang favorite."

May ilang talents ng Mercator na nawala. Posible kayang siya ang dahilan?

“Ay, diyan, hindi naman po. Talagang hindi naman po,” nakangiti niyang sabi.


HONING HIS OTHER TALENTS. Sa mga nangyayari sa kanyang showbiz career ngayon, saan niya ito nakikitang papunta?

Ayon kay Ken, “Well, kung mapapansin niyo po ngayon, nagsi-singing po ako, nag-a-acting, naghu-hosting.

“Siguro po, in a way, kung pamimiliin ako, gusto ko po talagang ma-establish ang acting ko as a good actor talaga.

“And basically sa ngayon, habang wala pa akong nae-establish na pangalan, ipinapakita ko muna kung ano ang kaya kong gawin.

“Para eventually, mapansin man ako, makita nila yung mga options.

"At sana makilala rin po as a good singer kasi, sabi nga po nila, kapag kumakanta ka, hindi ka mawawalan ng trabaho.

“Then, pasulpot-sulpot na hosting. Para maraming trabaho, maraming pera lalo na tuwing Pasko!” natawang sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Plano raw ni Ken na makapagpatayo ng sariling bahay at negosyo. Isa raw sa gusto niya ay magkaroon ng sariling restaurant bilang nakakuha na siya ng ilang units ng Culinary Arts.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN