Gwen Zamora on alleged falling-out with Ellen Adarna over breakup issue: “We’re fine.”

Gwen Zamora on alleged falling-out with friend Ellen Adarna, who is now involved with Gwen’s former boyfriend, Raymund Romualdez: “Naging issue siya without actually being an issue, so ’wag na nating gawing isyu.”


Natupad ang wish ni Gwen Zamora na manalong MVP sa Kapuso Weekend in Dapitan, na ginanap sa Dakak Park and Beach Resort, bilang pagsalubong ng Kapuso network sa summer

Bago nagsimula ang three-day sports event, sinabi ni Gwen sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ay wish niyang manalo bilang MVP dahil maganda raw ang premyo—free stay for two at Dakak Park and Beach Resort luxury room.

At sa pagtatapos nga ng kumpetisyon ay si Gwen ang itinanghal na MVP sa mga hanay ng female Kapuso stars, habang si Geoff Eigenmann naman ang naging MVP sa mga lalaki.

Sa ngayon, masaya at nag-e-enjoy si Gwen sa buhay niya, lalo na't nakakapag-travel siya 'tulad nga ng event nila na iyon sa Dapitan.

Pero halatang gusto nitong umiwas na pag-usapan ang tungkol sa lovelife niya nang kumustahin namin siya tungkol sa breakup nila ng dating boyfriend na si Raymund Romualdez.

Si Raymund ay anak ni Mayor Alfred Romualdez ng Tacloban City.

“Can we not talk about... let’s talk about summer!” nakangiti niyang pakiusap sa PEP.


ISSUE WITH ELLEN ADARNA. Pinabigyang-linaw namin kay Gwen ang balitang nagkaroon sila ng falling-out ng isa sa itinuturing niyang best friend na si Ellen Adarna, na diumano'y bagong girlfriend ng dating boyfriend.

“Saan naman nanggaling ‘yan? We’re fine,” sabi ni Gwen.

Okay sila ni Ellen?

“Nagkita nga kami last week,” aniya.

So, hindi totoong nagkaroon ng agawan o nag-overlap ang relasyon nila ni Raymund sa diumano’y relasyon nito ngayon kay Ellen?

Paglilinaw ni Gwen, “Naging issue siya without actually being an issue, so huwag na nating gawing isyu. Doon lang yun.”

Muli naming tinanong kay Gwen ang tungkol sa isyu sa kanila ni Ellen dahil nagkakaroon nga ng impresiyon na hindi na sila okey.

“Paano niyo nakuha yung impression na yun?” nakangiting tanong niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi namin kay Gwen na may ilang larawan na lumabas sa Instagram na magkasama sa ilang pagkakataon ang dati niyang boyfriend at si Ellen, pero na-delete ang ilan dito at lumabas din sa ilang balita sa social media.

Sabi naman ni Gwen, “Meron ba kaming mga hate post na nilagay?”


BREAKUP. "Ex" na kung tawagin ni Gwen si Raymund kaya malinaw na break na nga sila.

Pero gaano katagal na silang wala?

“Wala na talaga... siguro mga six, five months,” pag-amin niya.

Ayon pa kay Gwen, “Siyempre, hindi ko pinublicize. Why would I? I’m single. Hello?!”

Nakapag-move on na siya?

Sagot niya, “Yeah, I’m happy now.

“Seriously, I’m in the happiest I’ve ever been.”


MOVING ON. Pagkatapos ng halos kalahating taon na ring hiwalay sila, nasa estado na ba siya na handa nang muli sa panibagong relasyon?

Sagot ni Gwen, “Whatever comes along will come along.

“Hindi naman sa gusto kong maging single.

"If something happens, e, di something happens. Pero hindi ko pipilitin.

“Hindi yung maghahanap ako, 'Hi, what’s your number? Call me!'” natatawang sabi niya.

Hindi ba niya nami-miss na may karelasyon?

“Well, I’m hanging out with a lot of my friends. I’m catching up with my friends.

“I’ve been traveling a lot. Nagpunta ko ng Sagada, Coron, nag-Caramoan kami for Bubble Gang.

"I’m going to Iceland on October.

“You know how nice it is to have time for yourself.

“If someone comes, e, di yun. But I don’t feel any pressure right now!” natawa pa niyang sabi.


CIVIL WITH EX. Tatlong taon din ang naging relasyon nila ng dating boyfriend. Ano ang ginagawa niya para makapag-move on?

“Depende rin sa breakup,” sambit ni Gwen.

“But I don’t think that’s something na you can tell.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, kapag okey ang breakup, siyempre, okey ka na.

"Kung hindi, I’m sure if it’s a bad breakup, maloloka ka nang konti.

“I don’t know, hindi pa naman ako naka-experience ng bad breakup talaga.”

Magkaibigan ba sila ngayon ng dati niyang boyfriend?

“Kung makita ko siya, hello,” sagot ni Gwen.

Wala na ang komunikasyon?

“Ano naman ang pag-uusapan namin?” natawa niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN