Melissa Mendez: "I know I’ll be vindicated."

Melissa Mendez on her offloading incident: “Sorry, tao lang ako, hindi naman ako santo. Nagkakamali rin ako. Kung nagkamali ako na sinaktan ko yung yung lalaki na yun, I’m so sorry. Pero siguro naman, kahit sinong nasa kalagayan ko na pagsasalitaan ka nang ganun na maraming nakakarinig, siyempre nawala na, e."


Matapos lumabas ang iba't ibang pahayag tungkol sa nangyaring pagpababa kay Melissa Mendez mula sa eroplanong sinasakyan nito mula Manila papuntang Pagadian City, nagsalita muli ang aktres.

Dito ay sinabi ni Melissa na nais niyang humingi ng tulong sa women's group na Gabriela.

Sa panayam niya sa The Buzz ngayog Linggo, March 22, itinanggi muli ng aktres na lasing siya nang mangyari ang insidente.

Read: PEP EXCLUSIVE. Melissa Mendez tells her side of the story in offloading incident; denies slapping flight attendants

Hindi rin daw naging patas ang airline crew sa desisyon nitong pababain siya ng eroplano.

Ani Melissa, “Yung sa piloto, sana hindi po kayo nag-overact sa nangyari.

"Sana pinakinggan niyo po yung side ko.

"Pero closed-minded po kayo. Hindi niyo man lang ako pinakinggan.

"Basta niyo na lang akong pinababa sa eroplano nang hindi niyo narinig yung side ko.

"I just had to fight for my right.

"Bilang babae, meron din naman akong karapatan na ipaglaban yung sarili ko."

Naging emosyunal lalo si Melissa at naiyak habang nilalahad ang kaniyang panig sa nangyari.

“Sorry, tao lang ako, hindi naman ako santo. Nagkakamali rin ako.

"Kung nagkamali ako na sinaktan ko yung yung lalaki na yun, I’m so sorry.

"Pero siguro naman, kahit sinong nasa kalagayan ko na pagsasalitaan ka nang ganun na maraming nakakarinig, siyempre nawala na, e."

Ang tinutukoy ni Melissa ay ang pahayag diumano ng nakaengkuwentro niyang kapwa-pasahero, si Rey Pamaran, na sinabihan siyang hahampasin siya ng bag kapag hindi umalis ng kanyang upuan at mabaho raw ang kanyang hininga.

Read: Andrew Wolff's friend Rey Pamaran speaks up over Melissa Mendez’s offloading incident

Dahil diumano sa insidente ay nawalan din si Melissa ng trabaho, at hindi makabalik ng Pagadian.

"Nawalan ako ng trabaho dahil sa kanya.

"I was supposed to leave ngayon, e, biglang kinansel... dahil mayaman sila. Dahil influential family sila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ni Melissa, "Kaya nga humihingi ako ng tulong sa Gabriela para tulungan nila ako.

"Hindi ako makakatungtong sa Pagadian, kasi pag-aari ba nila yun?

"Pero I know I’ll be vindicated naman.

"Wala akong hawak na puwedeng ikamatay ng tao.

"Nasampal ko lang yung lalaking nag-mock sa akin, nag-humiliate sa akin."

Sa pamamagitan naman ng phone interview, iginiit ni Rey na wala siyang atraso kay Melissa.

Sabi niya, "Ginagamit niya si Lord dahil sa pagsisinungaling niya, sinungaling!

"Sa dami ng nakakita, ngayon may video na kaming nakuha 'tsaka mga pictures na galing sa passengers, na nakuha talaga kung ano'ng ginagawa niya, gagamitin namin as evidence 'tsaka yung mga witness namin, meron na."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN