NFL star Tim Tebow visits Manny Pacquiao

Former National Football League quarterback Tim Tebow recently paid a visit to Manny Pacquiao during his training at the Wild Card Gym in Los Angeles, California. The football superstar, who was born in the Philippines, considers the Pacman as his "brother in Christ."


Parami na nang parami ang celebrity friends ni Pambansang Kamao Manny “Pacman” Pacquiao na dumadalaw sa kanyang pag-eensayo sa Wild Card Gym in Los Angeles, California.

Kabilang na sina Mark Wahlberg, Bob Dylan, Justin Timberlake, Mario Lopez, Jeremy Piven, at Brad Pitt sa mga sikat na celebrities na dumalaw kay Pacman at nagparamdam ng kanilang suporta para sa kanyang nalalapit laban kay Floyd Mayweather, Jr. sa May 2, sa Las Vegas, Nevada.

Nadagdag sa listahan ng celebrity supporters ni Pacman ang former NFL (National Football League) quarterback na si Tim Tebow.

Naging star quarterback si Tebow ng mga kilalang football teams sa NFL na Denver Broncos, New York Jets, at New England Patriots.


ACHIEVEMENTS. Recipient din si Tebow ng Heisman Memorial Trophy, isa sa pinakaprestihiyosong parangal na naibibigay sa isang football player dahil sa outstanding performance nito sa kanyang paglalaro.

Nakilala rin si Tebow dahil sa kanyang pagiging religious at ilang kabataan na sa iba’t ibang schools sa U.S. ang kanyang tinuruan tungkol sa Christianity.

Nagtatag din si Tebow ng sarili niyang foundation na dinala niya rito sa Pilipinas, ang Tebow Foundation na nagtayo ng isang children’s hospital.

Nagpatayo rin siya ng The Tebow CURE Hospital sa Davao City kunsaan ang specialization nito ay orthopedic care.


SOFT SPOT FOR PINOYS. Ipinanganak si Tebow dito sa Pilipinas noong 1987, habang nasa missionary trip ang kanyang mga magulang.

Kaya naman malapit sa kanyang puso ang mga Pinoy kahit saan man siya magpunta.

Nais niyang suportahan si Pacquiao dahil nalaman niya ang pagiging aktibo nito sa simbahan at ang walang-sawa nitong pagtulong sa maraming tao, lalo na sa kabataan.

Ipinost ni Tebow ang photo nila ni Pacman sa kanyang Instagram account na may caption na: “Awesome being with my Filipino and Christian brother.”

Sa Instagram account naman ni Pacman, ito ang kanyang caption: “Good to be with my brother in Christ @TimTebow”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN