Shaira Mae denies live-in rumor with BF Edgar Allan Guzman; answers virginity issue

Shaira Mae on nasty rumors about her: "Hindi naman lahat ng tao napi-please, ‘di ba? Kung yun ang first impression nila sa akin, wala na akong magagawa. Basta ako, kung ano ako, yun ang ipinapakita ko. Basta ako, nagdarasal lang at hinahayaan ko lang ang mga taong nagsusulat. Ipagpasa-Diyos na lang."


Sa apat na Wattpad Presents episodes na ginawa ni Shaira Mae ay palaging si Mark Neumann ang kapareha niya.

Gaya na lamang ng “The Magic In You” na kinunan pa sa Hong Kong, partikular na sa Disneyland.

Sabi ni Shaira Mae sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Thankful po kami sa TV5 kasi hindi kami nababakante.

“May Wattpad nga at happy naman kami sa ibinibigay nila.

“May Tropa Mo Ko rin po and, hopefully, magka-sitcom, mga serye.”

Nalungkot daw si Shaira Mae nang huminto muna sa paggawa ng mga teleserye ang TV5 kaya mabuti at may Wattpad Presents.

“Medyo nalungkot po ako kasi siyempre may mga binabayaran din po ako, katulad ng kotse. Ako rin po nagbabayad na sarili nun.

“So, sana dasal-dasal para continuous lang po [ang trabaho].”


SHARK. Sa isang banda, hindi nakapagtatakang sila ni Mark ang palaging pinagtatambal sa lahat ng episodes nila sa Wattpad Presents dahil malakas ang loveteam nila, ang Shark, sa social media.

Ano kaya ang meron sa kanilang dalawa?

Sagot ni Shaira, “Siguro yung mga sumusuporta sa amin, talagang minamahal namin sila. Nire-reply-an, nire-retweet.

“Siguro dahil doon, happy sila na suportahan pa kami.

“Yung mga iba, naeengganyo kasi nare-reply-an namin.

“Kami ni Mark, suportahan kami.

“Kapag trabaho, trabaho, at kumportable talaga kami sa isa’t isa.”

Walang problema sa fans nila kahit na sa totoong buhay, ang boyfriend talaga ni Shaira Mae ay ang aktor na si Edgar Allan Guzman.

Sabi ng Kapatid star, “Yun nga ang nakakatuwa, e.

“Kahit na alam nilang may boyfriend ako, open ako dun, nandiyan pa rin sila at talagang sumusuporta, kinikilig pa rin.”

SHAIRA’S BOYFRIEND. Dalawang taon na raw ang relasyon nina Shaira Mae at Edgar.

Natawa ang dalaga nang sabihin namin na kahit tila “you and me against the world” ang drama ng relasyon nila ay nagtatagal sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “Okey naman na ngayon.

“Parang okey naman sa TV5 basta, yun lang, kapag trabaho, trabaho.”

Sa parte ni Edgar, kapag nai-in love ito o may girlfriend ay tila naaapektuhan ang trabaho nito.

“Matagal na yun, matagal nang isyu!” natawang sabi ni Shaira Mae.

Hindi naniniwala ang Kapatid young actress na nang maging sila ay tila nadiskaril ang trabaho ni Edgar.

“Hindi, e, mas pinagbutihan niya ang trabaho niya.

“Mas na-inspire siya. Better person.

“Hindi naman totoo yung nadiskaril, hindi uma-attend sa ganito...

“At saka, tapos naman na ang isyung yun. Masaya kami ngayon.”

Dating magkasama sa TV5 sina Shaira Mae at Edgar, pero ngayon ay nasa ABS-CBN na ang aktor kung saan napapanood siya sa Your Face Sounds Familiar.

Hindi ba sunagi sa isip ni Shaira Mae na kaya lumipat ng network si Edgar ay para malayo muna sila sa isa’t isa?

Sagot niya, “Hindi, it’s a career move, kaya okey lang sa akin.

“At saka kung saan maging okey ang trabaho, ganun din siya sa akin.

“Open naman kami sa isa’t isa.”

Sa palagay niya ba ay magtatagal ang relasyon nila ni Edgar?

“Oo,” mabilis na sagot ni Shaira Mae.

Aniya, “May trust kami sa isa’t isa at saka tiwala lang.

“Yung communication sa amin, hindi naman nawawala.”

LIVE-IN RUMOR. Mariin namang pinabulaanan ni Shaira Mae ang balitang nagli-live-in na raw sila ni Edgar.

Sabi ng 19-year-old actress, “No, not true.

“Unang-una, may pamilya ako at napaka-strict ng daddy ko at mommy ko. Napaka-conservative nila.

“At ang ano pa nga diyan, si Edgar, nanligaw siya sa bahay talaga.

“Nagpaalam talaga siya at saka nagkausap sila ng daddy ko.

“Hindi totoo ang live-in.

“Kaya kahit may lumabas na ganun, hindi totoo.”

Kapag may mga ganitong negatibong isyu tungkol sa kanya, nasasaktan ba siya?

“Kapag hindi kasi totoo, deadma lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang, ‘A, okey, hindi naman totoo, bahala kayo riyan. Pakasaya kayo.’”

Kung hindi siya pabor sa live-in, hindi rin siya pabor sa pre-marital sex?

“Ay, hindi ako naniniwala dun!” bulalas ni Shaira Mae.

“Alam niya yun at nirerespeto niya [Edgar].

“Kasi ako, yun nga, after marriage saka may ganun.

“Kasi, kung mahal mo naman talaga ang isang tao, hindi naman basehan ang sex na kailangan.”

Hindi naman nangiming sabihin ni Shaira Mae na “virgin” pa siya.

“Yun ang maipagmamalaki ko at talagang bilib ako kay Edgar, and he’s making a history para sa sarili niya rin.

“At may usapan sila ng daddy ko na hindi ko alam.”

Sa mga pahayag niya ngayon, tila kabaligtaran ito ng mga isyung lumalabas tungkol sa kanya. Na tipong happy-go-lucky siya, mahilig sa mga gimik.

Bago kay Edgar, nandiyang naisyu rin na gustung-gusto raw niya ang kanyang ka-batch sa Artista Academy na si Vin Abrenica.

Bakit may mga ganung isyu sa kanya dati?

Saad ni Shaira Mae, “May mga ganun kasi competition naman.


“Let’s say naging crush, pero after nun, okey, hanggang dito lang.

“Noong dumating naman si Edgar, matagal bago… matagal-tagal siya.

“Parang kapag nag-break kayo, may four-month rule, three-month rule.

“At saka, hindi naman naging kami ni Vin. Wala namang kailangang i-close.”

Yung laman daw siya ng gimikan?

“Hindi naman totoo yun,” tanggi niya.

“Umiinom ako, occasionally. Kasama ko mga pinsan ko.

“Pero hindi totoo yung kasama ko ang mga lalaki, hindi totoo yun.”

Puwedeng sabihin na misunderstood siya?

“Oo,” sambit ni Shaira Mae.

“At saka, hindi naman lahat ng tao napi-please, ‘di ba?

“Kung yun ang first impression nila sa akin, wala na akong magagawa.

“Basta ako, kung ano ako, yun ang ipinapakita ko.

“Basta ako, nagdarasal lang at hinahayaan ko lang ang mga taong nagsusulat. Ipagpasa-Diyos na lang.

“But, so far, wala naman na akong nababasa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN