Jinkee Pacquiao wants to move to Beverly Hills mansion before Pacquiao-Mayweather fight

Manny Pacquiao, wife Jinkee, and their brood of four toured the Beverly Hills mansion previously owned by American rapper P.Diddy. "First week of April siguro if ever na makapag-move in para at least ma-enjoy naman for a month yung bahay bago pumunta ng Las Vegas," says Jinkee who's thrilled to start redecorating the seven-room mansion.


Nilibot at pinasilip ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao ang bibilhin nilang mansyon na dating pag-aari ng American rapper na si Sean “P. Diddy” Combs sa Beverly Hills, California.

“Tinatrabaho na,” simpleng sagot ni Manny nang ihayag ni ABS-CBN sports correspondent Dyan Castillejo na nagbigay na ng downpayment ang boxing champ para sa bahay.

Kasama sa tumingin ng kabuuan ng mansyon ang mga anak nina Manny at Jinkee na sina Jimuel, Michael, Princess, at Queenie.

Ayon kay Jinkee, nagustuhan niya ang pagiging well-maintained ng naturang Beverly Hills mansion na mayroong pitong kuwarto at walong bathrooms.

“Yes, thumbs up, approve!

“Maganda naman yung bahay talaga, maaliwalas, malinis, kasi yung color white and gray, so maganda,” nakangiting pahayag ni Jinkee sa live coverage ng Umagang Kay Ganda noong Lunes, March 23.

Ngayon pa lang ay excited na si Jinkee sa pag-redecorate ng mga kuwarto dahil sadyang mahilig umano siyang mag-ayos ng bahay.

Sabi pa niya, “Siguro madalas na rin yung pagpunta dito kasi sayang naman yung bahay kung hindi matitirahan ng matagal.”

Maging ang mga anak nina Manny at Jinkee ay excited na sa pagbili nila ng bagong bahay.

Nagustuhan nina Princess at Queenie ang malaking swimming pool at nakapili na rin sila ng kuwartong pagtutulugan nilang magkapatid.

Sina Jimmuel at Michael naman ay nagustuhan ang malaking theater room sa loob ng mansyon.

Kung saka-sakali, plano ng pamilya Pacquiao na makalipat sa bibilhing Beverly Hills mansion isang buwan bago ang nakatakdang paghaharap nina Manny at Floyd Mayweather Jr. sa Las Vegas.

Sabi ni Jinkee, “Yeah, before the fight.

“First week of April siguro if ever na makapag-move in para at least ma-enjoy naman for a month yung bahay bago pumunta ng Las Vegas.”

Sa huli, hiningan sina Jimuel at Michael ng mensahe tungkol sa nalalapit na laban nina Manny at Mayweather sa May 2.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“He’s gonna win!” kumpiyansang saad ng magkapatid patungkol sa kanilang ama.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN