Wilma Galvante on Sharon Cuneta’s transfer to ABS-CBN: “What is more important is she is happy, TV5 is happy.”

Ipinagmamalaki ng TV5 executive na si Ms. Wilma Galvante na isa sa malakas na programa ng kanilang istasyon ay ang Wattpad Presents. Dahil sa tagumpay nito, nilapitan sila ng Hong Kong Disneyland upang makipag-tie up sa The Magic In You episode nila na kasalukuyang kinukunan sa nasabing theme park.


HONG KONG - Hindi raw alam ni Ms. Wilma Galvante, Chief Entertainment and Content Officer ng TV5, ang progreso tungkol sa pretermination ng kontrata ni Sharon Cuneta sa Kapatid network.

Sa tulong ng corporate communications officers ng network na sina Judy Magdame at Mary Jane Francisco, nakipagkuwentuhan ang lady executive sa PEP.ph (Phillippine Entertainment Portal) at dalawa pang media outlet mula sa Pilipinas tungkol kay Sharon at sa mga bago pang palabas ng TV5.

Panimula ni Ms. Wilma, “I think, mutual naman yung naging decision.

"You know what, at the end of the day, what is more important is she is happy, TV5 is happy.

"Here at the Happy Network, you should always be happy all the time."

Pagdating sa personal na relasyon sa Megastar, wala naman daw silang naging problema.

“Oo, maikli lang, e. Doon lang sa Madam Chairman.

"Noong sinabi ko na gawin niya yung Madam Chairman, kasi bagay sa kanya yung istorya, natuwa siya.

“Ako, galing na galing ako kay Sharon pagdating sa comedy. Pagdating sa pagbitaw ng punchlines, natural.

“And then, Madam Chairman is really cut out for her.

"And we saw it. And even the audience, they loved her in that role.

“'Tapos, natuwa siyang gawin.

"And then for the first time, nag-series siya sa primetime, and it run for six months, parang two seasons, even more."

Sa muling pagbabalik ni Sharon sa ABS-CBN, nabanggit ng Megastar na ang forté talaga niya ay drama.

Kung nagtuluy-tuloy ba si Sharon sa TV5, may plano ba na gawan siya ng drama show o teleserye?

Sagot ni Ms. Wilma, “Kung natuloy siya, itutuloy ko yung tema ng Madam Chairman.

"Yun ang plano kong pagawin sa kanya kung nagtuloy pa siya.”

Ang tinutukoy ni Ms. Wilma ay ang sequel sana ng show na Madam Chairman Goes To Congress na plano nang gawin noon kapag matapos na ang show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Kasi si Sharon, hindi ba masayahin siya? Tawa siya nang tawa kapag kausap mo siya.

"Kaya yung role, ikinukuwento mo pa lang, tawa na siya nang tawa, at minsan nagdadagdag siya.

“I enjoyed doing Madam Chairman with her and I know she liked it that’s why she did it.

“Hanggang dun lang yung relationship namin.”

WATTPAD PRESENTS IN HONGKONG. Nakausap ng PEP si Ms. Wilma sa Disneyland Hotel, kung saan tumuloy ang cast ng Wattpad Presents: The Magic In You habang nagte-taping sa Hong Kong Disneyland.

Tungkol naman sa The Magic In You, sinabi ng lady executive na ang Hong Kong Disneyland ang lumapit sa TV5 para makipag-tie up sa kanila.

“Kilala na rin naman nila ang TV5 kasi may relationship naman ang Disney at TV5 before.

“'Tapos nag-Artista Academy, 'di ba,? Nagpunta dito noong 2012.

"Then we brought the kids here, all 16 of them.

"'Tsaka si Perci [Intalan, former TV5 executive], nag-work siya sa Disney dati.

“Ngayon, it’s their 10th anniversary, siyempre promotions, media mileage.

"And we proposed to do some shows for them, hindi lang magazine shows, nagulat nga ako na nung sinabi ko na, ‘We have Wattpad Presents, it’s a drama, its romanctic comedy, it would be good if we’re going to shoot it in the park.’

“And then they said, ‘Okay, let’s go. Let’s just take a look at the story.’”

May nakareserba naman daw silang istorya na nakahanda na. Ipinakita raw nila ito sa executives ng Disneyland at naging okey naman daw ang lahat.

Tinulungan daw sila sa mga location sa loob ng theme park kung saan magandang mag-shoot.

Very cooperative daw ang mga taga-Disney dahil sila pa mismo ang nagpagawa ng theme song para sa episode.

Nakangiti pang sabi ni Ms. Wilma tungkol sa theme song, “Very festive, very Disney ang dating.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(In photo: Nicole Estrada, Ms. Wilma, Shaira Mae, and Mark Neumann with Mickey Mouse, Disney's most famous character. Photo by Arniel C. Serato)

Kasalukuyang nagti-taping ang Wattpad production team sa Hong Kong Disneyland sa episode na pinagbibidahan nina Mark Neumann at Shaira Mae. Inaasahang matatapos ang taping sa Huwebes, March 26.

Read: TV5 stars Mark Neumann, Shaira Mae, Nicole Estrada pressured over HK Disneyland's production of Wattpad Presents

Bukod sa Wattpad Presents, dadalhin din ng TV5 ang Happy Wife, Happy Life sa Disneyland dahil nagustuhan din daw nila ang konsepto ng show.


UPCOMING SHOWS. Marami naman daw paparating na bagong shows sa Kapatid Network.

Isa na rito ang bagong showbiz talk show na Showbiz Konek Na Konek na ihu-host nina IC Mendoza, Bianca King, at MJ Marfori.

Ie-extend din daw nila ang run ng Mac & Chiz nina Derek Ramsay at Empoy Marquez.

Mas lalo rin daw nilang pinapalakas ang morning block nila na Healing Galing, Solved na Solved, kasama na ang Happy Wife, Happy Life dahil gusto nilang magbigay ng kaalaman sa mga manonood.

Sinabi rin ni Ms. Wilma na kinakausap nila si Mariel Rodriguez upang maging isa sa hosts ng Happy Wife, Happy Life pero nagkaroon ng personal na problema kaya hindi pa nila na-finalize ang kanilang negotiation.

Ayon pa kay Ms. Wilma, “produce quality shows, ang naging directive daw sa kanila ng TV5 chairman na si Manny V. Pangilinan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN