Carla Abellana refuses to take Marian Rivera’s place as top Kapuso star: “Ayoko. Mas mahirap to be in her position right now, honestly.”

"Ako, masaya na ako where I am now. Kahit ano pang title ang ibigay sa akin, okey na ako. Kasi, sabi ko nga, hindi naman ako pumasok sa showbiz para mag-earn ng title, narito ako para magtrabaho, mag-earn nang money, ’di ba?” says Carla Abellana about being tagged to take Marian Rivera’s place as Kapuso Primetime Queen.


Ayaw bigyan ng kulay ni Carla Abellana ang mga sabi-sabi na ngayong nag-asawa na ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ay mas aalagwa na raw ang career niya bilang Kapuso star.

Para kay Carla, masaya siya kung anuman ang narating niya, at higit siyang masaya para sa kapwa niya Kapuso artist, na ngayon ay si Mrs. Marian Rivera-Dantes na.

Nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa contract signing ng kanyang pagiging isang Kapuso para sa susunod na tatlong taon, na ginanap sa 16th floor Boardroom ng GMA Network Center sa Timog, Quezon City, noong March 23, naging bukas si Carla sa pagbibigay ng kanyang saloobin tungkol sa isyung ito.

Aniya, habang nakangiti, "Marian Dantes na pala siya ngayon, 'no.

"Ano... ayoko. Mas mahirap to be in her position right now, honestly.

"Mas malaki siyempre ang expectations.

"Ako, masaya na ako where I am now. Kahit ano pang title ang ibigay sa akin, okey na ako.

"Kasi, sabi ko nga, hindi naman ako pumasok sa showbiz para mag-earn ng title.

"Narito ako para magtrabaho, mag-earn nang money, 'di ba?

"Ako, honestly, wala sa akin...

"Hindi ko nga alam kung paano nagwu-work ang mga ‘yan, ang title-title na 'yan.

"Ano ba 'yan, deliberation, or multiple choice?

"Hindi ko talaga alam kung paano nai-earn ang ganyang title.

"Nasa tagal ba 'yan? Nasa dami ng projects?

"Sa akin, okey lang na may kinikita ako, nagti-taping ako, wala nang title-title.

"Basta ayokong isipin, kasi mas may pressure kung isipin mo na may ganyan."

Sa tingin din naman ni Carla ay hindi maaapektuhan ang career ni Marian, kahit pa nga lumagay na ito sa tahimik, dahil sa dami pa rin ng projects nitong nakalinya.

Saad ng 28-year-old Kapuso actress, "Hindi naman, although they would say na kapag nag-asawa na ang artista, nag-iiba na ang roles. Siyempre, hindi na siya single.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So... ang dami-dami naman namin dito, ang dami.

"Basta ako, ayokong isipin dahil ayaw kong ma-pressure."


DOES NOT ENVY MARIAN. May punto bang nainggit siya kay Marian dahil sa sobrang kasikatan nito at kaliwa't kanan ang naging proyekto nito sa GMA?

Malumanay na tugon ni Carla, "Hindi naman.

"You know why? Kasi naiisip ko din naman kung gaano kahirap.

"Ang daling sabihin na, 'Oy, nainggit ako.'

"Pero bilang artista din, naiisip ko rin kung gaano kahirap yung pinagdaanan niya, para mapuntahan kung nasaan man siya ngayon.

"Parang...mainggit ka man sa na-achieve niya na, maiisip mo rin kung what she had to go through, 'di ba?

"Ang daling mainggit, pero maaawa ka din sa sitwasyon, o sa hirap na pinagdaanan niya."

Patuloy pa niya, "Pangit naman kasi mainggit.

"In a good way? Hindi din, hindi din.

"Kasi, naiisip ko nga ang hirap nung... siyempre, hindi naman na walang mahirap, wala namang naa-achieve na ganun-ganun lang.

"Lahat naman ay pinaghihirapan, lahat naman ng trabaho... pero may kanya-kanya.

"Iba din yung sa iyo, iba din yung style, iba din yung diskarte."

Kaya niya ba ang pinagdaanan ng sinasabi ring "Reyna ng mga Kapuso"?

Saad ni Carla, "Iniisip ko din. Kakayanin ko ba yun?

"Pero kung ano man ang ibinigay sa iyo ng Diyos, kakayanin mo yun.

"Wala naman Siyang ibinibigay na hindi mo kakayanin."

Masaya nga raw si Carla kung nasaan man si Marian ngayon.

Aniya, "Oo naman, where she is.

"Good luck nga sa bago niyang show, kasi maganda yun.

"Maganda yun."

Ang tinutukoy ni Carla ay ang The Rich Man's Daughter na susunod na priumetime series ni Marian sa GMA.


NEW CONTRACT WITH GMA. Sa parte naman niya, natutuwa si Carla sa bagong kontrata niya sa Kapuso network, kung saan nakatakda siyang gumawa ng isang teleserye kada taon at isang hosting job sa News and Public Affairs department.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Carla na natatawa, "Kailangang mabayaran ang taxes!

"Kasi, kapapasok lang, oh my God, heart attack! Ang laki ng taxes!

"Kasi kapag nakikilala ka, mas malaki ang taxes, kasi parang hinahanapan ka talaga nila ng butas.

"So, hinahanap-hanapan ka talaga nila.

"Pero after the end of three years, I got to build my own dream home.

"Kasi, right now, I live dun sa house ng mommy ko, which I bought for her.

"So, sana after three years, yung akin naman, yun lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN