Carla Abellana keeps steady “dating” relationship with Tom Rodriguez

Carla Abellana and Tom Rodriguez are okay with “no label” relationship. “Kumbaga, we’re just going with the flow lang, letting things happen.”


Mananatiling Kapuso si Carla Abellana matapos nitong pumirma ng panibagong three-year network contract sa GMA kahapon, March 23.

Ayon kay Carla, hindi naging mahirap sa kanya ang magdesisyong muling pumirma ng kontrata sa Kapuso network.

“Happy kasi I don't see myself anywhere else. Ito talaga 'yong home.

“Kumbaga, talagang I belong here. Nakakatuwa na seeing the same faces, laging naka-smile.

“Sabi ko, 'Ito talaga ang mga makakatrabaho ko pa rin in the next three years.'

“I'm happy, very happy.”

Para sa bago niyang kontrata, isang teleserye raw ang gagawin niya.

Sabi ni Carla, “Umpisahan na natin.

“Willing to work na ako around this summer, mag-i-start na ako for drama pa rin, 'yan din ang paborito ko.”

Bukod dito ay tuloy pa rin ang weekend family-oriented show niya na Ismol Family at ang paghu-host niya sa Sunday All Stars.


NOT WITH TOM. Sa bagong teleseryeng gagawin ni Carla, hindi niya makakasama ang constant date at onscreen partner niyang si Tom Rodriguez.

“Ang alam ko, hindi. But we'll see.

"Anything is possible, puwede namang magkaroon ng biglaang changes,” sabi ni Carla.

Kung siya ang tatanungin, mabuti rin na makatrabaho pa nila ang iba pang mga artista sa GMA.

“Maganda rin yung, at least, magkaroon ako ng ibang leading man, and siya rin magkaroon ng ibang leading lady para rin maiba.


STEADY BUT NO LABEL. Matagal-tagal na rin mula nang aminin nina Carla at Tom na lumalabas sila. Pero nilinaw ng aktres na ganun pa rin ang estado ng relasyon nila ng aktor.

Nakangiting sabi ni Carla, “Wala pa ring label.

“Parang pareho kaming natatakot na lagyan ng label.

“Parang pareho kaming natatakot na tanungin ang isa't isa kung ano bang label or title.

“Kumbaga, we're just going with the flow lang, letting things happen.”

Diin pa niya, “Para rin walang pressure, walang expectations.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabila nito, hindi naman daw ibig sabihin na hindi sila seryoso sa isa't isa.

“I guess, para rin sure ako na it's not something that I would take lightly.

“It's something that I would take seriously.”

Dahil sa kanilang estado, ibig sabihin ba nito ay puwede pang makipag-date si Tom sa ibang babae kung sakali?

Sagot ni Carla, “Kung gusto niya, why not?

“Siya ang bahala, siyempre naman.

"It's his life, wala naman akong control over that.”

Sa kanyang parte, wala raw sa ugali ng aktres ang makipag-date lang nang basta-basta.

“In the past, never ko rin nasubukan to date other guys. 'Yon din ang nakasanayan ko.

“Others can do that. Ako, I've never experienced that.”

Sa kabuuan, ayon kay Carla, mas mainam ang kanilang sitwasyon ngayon dahil, “At least mas nakikilala ko siya off cam.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN