Rey Pamaran files P3-M slander by deed complaint vs Melissa Mendez

Rey Pamaran shows the copy of his complaint affidavit against actress Melissa Mendez. Rey, along with his lawyer Raymond Fortun (right), filed the complaint before the Pasay Prosecutor’s Office today, March 25.


Itinuloy pa rin ng model-realtor na si Rey Pamaran ang paghahain ng reklamong slander by deed, with damages amounting to P3 million, laban sa batikang aktres na si Melissa Mendez.

Kasama ang kanyang abugadong si Atty. Raymond Fortun, inihain ni Rey ang kanyang reklamo sa Pasay Prosecutor's Office ngayong Miyerkules ng hapon, March 25.

Ang nasabing reklamo ni Rey ay may kinalaman sa nangyaring offloading incident na kinasangkutan ni Melissa noong March 20, Biyernes, sakay ng domestic flight ng Cebu Pacific mula Maynila patungong Pagadian City, Zamboanga del Sur.

Read: Melissa Mendez offloaded from plane after 'punching' co-passenger and flight attendants

Martes ng gabi, March 24, inihayag ni Rey sa kanyang Facebook account na hindi niya tinatanggap ang ginawang “public apology” ni Melissa na idinaan lamang nito sa Instagram.

Read: Melissa Mendez apologizes to Rey Pamaran: “I am owning up to my mistake.”

Idinagdag ni Rey sa kanyang post na posible pa niyang iurong ang legal complaint niya laban sa aktres kung sasabihin nito ang buong katotohanan tungkol sa nangyaring pagtatalo nila sa eroplano, at kung gagawin sa telebisyon ang public apology ni Melissa.

Read: Rey Pamaran rejects Melissa Mendez's public apology on Instagram

Sinabi naman ni Rey sa panayam sa kanya ng press kanina na kinausap umano siya ng kaibigan ni Melissa kagabi upang magkaayos sila, subalit hindi nagpakita ang aktres, ayon sa tweet message ni MJ Marfori ng News5.

Mas mahalaga raw umano kay Rey na magsabi ng katotohanan si Melissa, na 90 porsiyentong kasinungalingan umano ang mga naging pahayag tungkol sa insidente.

Pinaninindigan din ni Rey na nakainom ang aktres nang sumakay ito sa eroplano, at kahit daw kaibigan ng aktres ay sinabing nagwawala talaga ang aktres kapag nakainom.

Nilinaw rin ni Rey na wala silang relasyon ni Andrew Wolff, na kasama niya nang sumakay sa eroplano, at sinabing accountant lang niya ito sa kanyang negosyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN