Carla Abellana denies being tactless: “I don’t speak much. But when I speak, I mean it.”

Carla Abellana on bashers: "Ilan lang naman sila. Parang bibigyan mo pa ba ng time o bibigyan mo pa ba ng pansin? Mas madami naman yung nagmamahal sa ’yo at sumusuporta. So, sino ang bibigyan mo ng pansin, ’di ba? Para hindi rin lumaki, do not entertain them."


Wala raw pinagsisisihan si Carla Abellana sa anumang nabitawan niyang salita o nai-post sa kanyang social media account.

“I don't regret anything that I've said in the past,” sabi ni Carla sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang piling miyembro ng press sa kanyang contract signing sa GMA Network noong Lunes, March 24.

Natanong si Carla tungkol dito dahil sa kumalat na Instragram post niya noong nakaraang buwan, kung saan naglabas siya ng sama ng loob sa pagka-cancel ng shoot sana niya para sa isang endorsement.

Read: Carla Abellana expresses frustration over cancelled shoot: “Hindi naman yata tama ito.”

Sabi ni Carla nang tanungin ng PEP tungkol dito, “Nag-sorry sila. Kasi hindi naman talaga tama.

“Wala akong natutunan. Sila ang may natutunan dun, nag-apologize naman sila.

“First time ko ever in my career na mangyari sa akin 'yon.

“I guess it just comes to show what kind of people you get to work with.

“Iba-iba talaga sila, hindi sila pare-pareho.

“I guess, nangyayari't nangyayari talaga. Wala na tayong magagawa, uwi na lang tayo ulit.”

Inulit din ni Carla na wala siyang pagsisisi sa paghahayag ng kanyang saloobin.

Katuwiran niya, “If I didn't post that, hindi siya malalaman ng endorsement ko.”

Kaugnay nito, nilinaw naman ng Kapuso actress na hindi pagiging taklesa ang pagpapahayag niya ng saloobin.

Paliwanag niya, “I don't speak much. But when I speak, I mean it. So, I don't regret it.

“I know what I say and hindi ko sasabihin 'yon, kumbaga, hindi ako magsasalita kung hindi ko pinag-isipan.

“Pinag-isipan ko nang mabuti 'yon bago ko gawin.”


IGNORING BASHERS. Samantala, katulad ng ibang artista, nakararanas din si Carla ng pangba-bash, lalo na sa Internet.

Natatawang sabi niya tungkol dito, “Actually, hindi 'yan mawawala!

“Never na silang mawawala.

"Although they say naman na hindi 'yan mawawala kahit sino ka pa, kahit santo ka pa or anghel ka, may bashers ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At least, sign daw 'yan na, you know, you are known.”

Pero natutunan na raw niyang huwag itong pansinin sa paglipas ng panahon.

Sabi ng 28-year-old actress, “Kasi iilan lang naman sila.

"Parang bibigyan mo pa ba ng time o bibigyan mo pa ba ng pansin?

“Mas madami naman yung nagmamahal sa 'yo at sumusuporta.

“So, sino ang bibigyan mo ng pansin, 'di ba?

"Para hindi rin lumaki, do not entertain them."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN