Sen. Miriam Defensor-Santiago: Yes to Manny Pangilinan for President, no to celebs in 2016

“It should not be people from highly publicized careers because their careers, where they are the leading celebrities, might blind them to the fact that their qualifications are sufficient for the job," says Senator Miriam Defensor-Santiago, who’s vocal in saying that the public should not vote for candidates who are from the fields of mass media, film, and television.


“I want you to think Mr. Manny Pangilinan for President of the Republic of the Philippines.”

Inihayag ni Senator Miriam Defensor-Santiago na iniendorso niya ang business tycoon na si Manny V. Pangilinan (MVP) na kumandidato bilang Presidente sa May 2016 elections.

Ito ay sa paniniwalang taglay ni MVP ang mga katangian ng isang lider na kayang mamuno ng bansa.

Inihayag ito ng senadora sa kanyang talumpati tungkol sa “excellence” at “leadership” para sa mga empleyado ng Maynilad noong Miyerkules, March 25.

Ang Maynilad ay nasa ilalim ng MVP group of companies.

Ilan pa sa mga kumpanyang pinamumunuan ng nabanggit na Filipino businessman ay ang PLDT, Meralco, Smart, Philex Mining Corporation, at TV5 network.

Hinamon din ni Senator Miriam ang kanyang audience na pag-isipang mabuti kung sino ang mga kandidatong kanilang susuportahan sa May 2016 elections.

Aniya, “We must educate the Filipino public. What is it you want for the Philippines in 2016? Bakit pa maghahalalan kung walang improvement?”


NO TO CELEBRITY CANDIDATES. Ayon sa ulat ng GMA News Online, direktang sinabi ni Senator Miriam sa isang presscon na ang pinatatamaan niya sa kanyang talumpati ay ang showbiz personalities na planong tumakbo sa susunod na eleksiyon.

Maituturing bang endorsement ang paghayag niya kay MVP bilang nararapat na kandidato sa pagka-Presidente sa 2016?

"Yes, it is," pagkumpirma ni Senator Miriam.

Paliwanag pa niya, “It is people like him [MVP] who should be elected to positions of leadership.

“It should not be people from highly publicized careers because their careers, where they are the leading celebrities, might blind them to the fact that their qualifications are sufficient for the job.

“I’m particularly talking about people from mass media, film and television."

Base sa latest Pulse Asia Survey na inilabas ngayong buwan, ilan sa showbiz personalities na nakasama sa Presidential Preferences ay sina Manila Mayor Joseph "Erap" Estrada at Senator Grace Poe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabanggit naman sa Vice Presidential Preferences sina Senator Bong Revilla at Senator Jinggoy Estrada, na pareho ngayong naka-detain dahil sa pagkakasangkot nila sa PDAF scam.

Sa mga Senatorial Preferences ay naitala sa naturang survey sina Senator Tito Sotto, Taguig Representative Lino Cayetano, Sarangani Representative Manny Pacquiao, Mark Lapid, Cavite Representative Lani Mercado, at Dingdong Dantes.


MIRIAM’S CRITERIA FOR QUALIFIED CANDIDATES. Nagbigay rin ng tatlong criteria ang senadora para sa mga nais kumandidato bilang opisyales ng bansa.

Aminado ang senadora na walang garantiya na ang isang kandidato ay magiging matapat sa pagbibigay-serbisyo sa bayan, ngunit ito pa rin ang kanyang numero unong kwalipikasyon.

“My qualifications are: number one, the person should be honest but that is the most difficult qualification to determine because there is no guaranteed test for honesty in public service.

“Second is professional excellence, and the third is academic excellence,” saad ni Senator Miriam.

Kung maaari ay nais din ng senadora na maamendahan ang Philippine Constitution bago dumating ang May 2016 elections.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN