Vice Ganda refuses to reveal identity of current boyfriend: "Meron, pero no name!"

Vice Ganda remains tight-lipped about his current boyfriend’s identity. “Ayoko na ng clue. Tama na yung alam niyong masaya ako at in love ako. Siguro naman masaya lang lahat," says Vice during at the presscon for his upcoming concert Vice, Gandang-Ganda Sa Sarili Sa Araneta: Eh Di Wow! yesterday, March 25.


“Oo, I am in love,” nakangiting pag-amin ni Vice Ganda tungkol sa estado ng kanyang lovelife.

Sa ginanap na solo presscon niya kahapon, March 25, kinumpirma ni Vice na mayroon siyang boyfriend ngayon.

Ngunit ayaw nang magbigay ng detalye ni Vice kung kailan nag-umpisa ang relasyon nila ng ‘di pinangalanang lalaki.

"Meron [boyfriend], pero no name!" natatawang sabi ng Kapamilya star.

Umiwas ang box-office comedian at It’s Showtime host nang tanungin kung basketball player ba ulit ang propesyon ng bago niyang karelasyon.

“Ay, wala po siyang propesyon! Lumpo po siya.

"Hindi po siya nakakapaglaro. Sa Paralympics siya!" natatawang pag-iwas ni Vice.

Ang mahalaga ay masaya raw ulit ang estado ng puso niya.

“Ayoko na ng clue. Tama na yung alam niyong masaya ako at in love ako.

"Siguro naman masaya lang lahat," sabi ni Vice.

Dating naugnay si Vice kay former FEU varsity player at ngayo'y PBA player nang si Terrence Romeo.

Read: Vice Ganda speaks up about Terrence Romeo's denial

Pagkatapos ng presscon proper, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vice kung bakit mailap siya pagdating sa usapin ng kanyang lovelife.

Sagot naman ni Vice, naniniwala siyang mas makakaiwas sa intriga kung pananatilihin niyang pribado ang aspetong ito ng kanyang buhay.

Ayaw rin umano niyang mapurnada ang blooming lovelife niya ngayon.

“Sinong pag-uusapan niyo kung hindi niyo naman alam?

“Mas magandang wala kayong alam [at] hindi niyo kilala para hindi masyadong maingay.

“Mas maingay, mas magulo; mas magulo, hindi masaya,” paliwanag ni Vice.

Sa huli, inihayag ng comedian/TV host na mas inspirado siyang magtrabaho dahil sa magandang estado ng kanyang puso.

“Importanteng maligaya ang puso mo.

"Hindi lang dapat maligaya ang mata o maligaya ang labi mo.

“Kasi yung kaligayahan at yung ngiti talaga, hindi lang labi ang naglilikha niyan, e.

“Sa puso nagsisimula ‘yan kaya kailangan masaya talaga yung puso mo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN