Liezl Martinez’s family commemorates her 48th birthday via Instagram greetings

Ginunita ng mga naulila ni Liezl Martinez ang kanyang ika-48 kaarawan ngayong araw, March 27, sa pamamagitan ng pagbati sa Instagram. Makikita sa larawan ang Instagram posts ng asawa nitong si Albert Martinez kung saan may hashtag itong "#myliezl."


Ngayong araw, March 27, ang ika-48 na kaarawan ng namayapang aktres na si Liezl Martinez.

Ngunit ilang linggo bago ang kanyang kaarawan ay pumanaw si Liezl noong March 14 dahil sa breast at lung cancer.

Read: Liezl Martinez dies at 47

Naulila ni Liezl ang asawang si Albert Martinez; ang tatlong anak nilang sina Alyanna, Alfonso, at Alyssa; at mga magulang na sina Amalia Fuentes at Romeo Vasquez.

Kahit namayapa na si Liezl, hindi pa rin nakaligtaan ng mga mahal niya sa buhay na batiin siya ngayong kanyang kaarawan, sa pamamagitan ng pagpu-post ng mensahe sa Instagram:

#MyLiezl ...happy birthday in heaven Mama

A photo posted by Albert Martinez (@albertmartinez_) onMar 26, 2015 at 9:36am PDT





A FITTING TRIBUTE. Bago sumakabilang-buhay si Liezl ay naging aktibong board member siya ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

At bilang pagbibigay-pugay sa kanilang yumaong kasamahan, ipinangalan ng MTRCB ang isa nilang multi-purpose hall kay Liezl.

Noong March 25, dalawang araw bago ang ika-48 kaarawan ng yumaong aktres, ay pinasinayaan ang Liezl S. Martinez Hall sa pangunguna ni MTRCB Chairman Toto Villareal.

Dinaluhan ito ng buong pamilya ni Liezlβ€”ang kanyang mister na si Albert at mga anak na sina Alyanna, Alfonso, at Alyssa. Dumating din ang ama niyang si Romeo Vasquez.

#MyLiezl ...so proud of you

A photo posted by Albert Martinez (@albertmartinez_) onMar 25, 2015 at 7:46am PDT

Hindi rin maipagkakaila ang pagiging proud ng mga anak ni Liezl sa kanya, base na rin sa Instagram posts nila.

Everyone was teary eyed when they unveiled the name plate of the hall❀️

A photo posted by Alyanna Martinez (@alyannamartinez) onMar 25, 2015 at 5:15am PDT

Liezl S. Martinez Hall Dedication and Unveiling Ceremony❀️ 3-25-15

A photo posted by Alyanna Martinez (@alyannamartinez) onMar 25, 2015 at 5:23am PDT


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN