Jay-R on being a Kapamilya: "Iba ang hype ng ABS-CBN, e. Iba ang TFC..."

Jay-R on leaving GMA and moving to ABS-CBN: “I’m not taking anything away at all, kasi they gave me the opportunity from the beginning, ‘di ba? But, you know, sooner or later, you wanna try new things, you wanna experience new adventures. So, heto ang nangyayari sa akin ngayon. Sinasabi ko nga na I’m starting from the beginning again. It’s very exciting, parang first day of school, parang ganun.”


Maayos ang naging pagpapaalam ng R&B singer na si Jay-R sa GMA Network bago siya lumipat sa ABS-CBN nitong pagsisimula ng 2015.

Inabot ng sampung taon ang inilagi ni Jay-R sa Kapuso network kung saan marami ring oportunidad ang naibigay sa kanya.

Iyon nga lang, dumarating daw talaga sa buhay ng isang artist na naghahanap siya ng mas malaking pagkakataon o ibang direksiyon sa kanyang career.

Kaya nang mabigyan ng tsansang makalipat ay hindi na nagdalawang-isip pa si Jay-R na subukan ang kanyang kapalaran sa Kapamilya network.

Nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jay-R sa press launch ng kanyang Elevated album sa TreeHouse, sa A. Venue, Makati Avenue, nitong March 26, hindi naman niya itinago ang dahilan kung bakit naglipat-bakod siya.

Saad ng 34-year-old singer, “Iba ang hype ng ABS-CBN, e.

“Iba ang TFC [The Filipino Channel], buong mundo, e.

“So, kung lumabas ka sa ABS, buong mundo nakikita ka, e.

“So, ang nangyayari dun, ang feedback… kasi showbiz, e, alam mo naman, it's all about tsismis, it’s all about word of mouth.

“Itong showbiz, kapag napanood ka na sa TFC, yun, kakalat yun sa Twitter, sa Facebook…

“So, iba na ang perception sa iyo ng tao, kasi ibang bansa na ang nagtu-tweet sa iyo, e.

“Iba talaga, e.

“The management is different as well.

“It's different taste, e. Different talaga.”

Sabi pa ni Jay-R, “Nag-lapse ang contract ko [sa GMA] na almost for a decade na.

“So, nung nag-lapse, naging free agent na ako.

“Yun, I was able to do ABS shows, until yung Your Face Sounds Familiar na.

“Binigyan na nila ako ng show, thank you, Lord.”

Nagsimula muna siya sa mga guest appearances, 'tulad sa Kris TV. Pero ngayon ay semi-regular na siya sa Sunday musical-variety show na ASAP, bukod pa sa reality-competition show na Your Face Sounds Familiar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BUCKET LIST. Hindi rin itinanggi ni Jay-R na noon pa ma’y nasa bucket list na niya ang makatrabaho ang mga sikat at beteranong mang-aawit ng Kapamilya network.

“Oo, definitely!” bulalas niya.

Ngunit paglilinaw ng singer, “I'm not taking away anything from GMA.

“I'm not taking anything away at all, kasi they gave me the opportunity from the beginning, ‘di ba?

“But, you know, sooner or later, you wanna try new things, you wanna experience new adventures.

“So, heto ang nangyayari sa akin ngayon.

“Sinasabi ko nga na I'm starting from the beginning again.

“It’s very exciting, parang first day of school, parang ganun.”

Ano naman ang reaksiyon ng mga kaibigan niyang nasa GMA pa rin?

Saad ng tinagurian na ngayong Philippines’ King of R&B, “Haping-happy sila sa akin.

“Laging nagti-text sila sa akin na, ‘Oy, napanood kita sa ganito, ang galing mo! Congrats, I'm proud of you!’

“Sila din, parang, ‘O, kami din, parang gusto naming pumunta diyan.’”

Kumusta naman ang pagtanggap sa kanya ng mga taga-Kapamilya?

Nakangiting sabi ni Jay-R, “Very, very warm.

“Like si Jericho [Rosales], we're very good friends.

“Every time na magkita kami sa ASAP, sasabihin niya, ‘O, bro, musta na?’

“Sasabihin ko naman, ‘O, sarap-sarap, dito na ako.’

“Sobrang... like, si Billy [Crawford], kaibigan ko na ‘yan, magkasama kami sa dressing room, yun, hang-out, kulitan.

“I feel like I'm home.”

ELEVATED. Samantala, hindi itinanggi ni Jay-R na dahil sa kasikatan ng You're Face Sounds Familiar, kung kaya’t ngayon lang niya naisipang i-launch formally sa press ang latest album niyang Elevated, na na-release sa market noon pang November 2014.

Saad niya, “Kasi ang pakiramdam ko, this is the right time, the perfect time para i-launch siya.

“A lot of good things are happening now sa career ko, and I really feel elevated.

“Kaya nga yun ang title ng album ko, it means so many things to be elevated.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It's some kind of... yung ano ko sa buhay na kailangang elevated in all aspects—in relationship, in work, sa career, in life, in general.

“I feel elevated producing my own album, in my own label and production, ang HomeWorks.

“’Tapos all original pa, and all OPM [Original Pilipino Music], so I feel I'm also elevating OPM.

“Sabi nila, malapit na raw mag-Gold kung kaya, right now, I'm really excited.

“Sobrang blessed talaga ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN