Steven Silva still in talks with GMA executives about renewing his contract

Steven Silva on why his contract with GMA Network still has not been renewed: "I just wanna make sure na kung pipirma ako ng contract, it’s something that we both agreed upon and it’s also good for my career."


Tuloy pa rin daw ang pakikipag-usap ni Steven Silva sa GMA Network tungkol sa nag-expire na niyang five-year contract.

Kaya masaya raw siya na habang naghihintay ay inalok siya ng TV5 na maging bahagi ng Wattpad Presents: Lady in Disguise.

“Very thankful ako sa TV5. Masaya ang experience ko sa Wattpad,” sabi ni Steven nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang piling reporters kahapon, March 26.

Dahil dito, nagkaroon siya ng pagkakataong makatrabaho ang isang artista na hindi taga-GMA, katulad ni Eula Caballero.

Sabi ni Steven, “It's been really nice working with Eula, very professional.

"Nagulat ako sa kanya kasi she's only 19 but she's really involved in her craft.

“Magaling siya, she's really quick when it comes to preparation.

"Lagi siyang prepared sa mga eksena namin kahit na medyo mabigat.

“So far, the experience is really nice, sana mag-Wattpad ako ulit.”

Kung sakaling may offer, maging bukas kaya si Steven na lumipat sa ibang network?

Sagot ng StarStruck alumnus, “Yeah, may possibility naman.

“But at the end of the day, I really want to go back to GMA kasi doon ako nag-start, e.

"If I can go back there, why not?

“If ever, kahit anong station, if they would really give me what I really want, and that's best for my career, bakit hindi?”


WORKING IT OUT. Kaugnay nito, kinumusta namin ang pakikipag-usap ni Steven sa kanyang mother network.

“We've still been talking about the contract. We're still trying to work it out,” sabi niya.

Sa ngayon, ayaw raw ni Steven na basta na lamang pumirma ng kontrata nang walang malinaw na direksiyon para sa kanyang career.

“I just wanna make sure na kung pipirma ako ng contract, it's something that we both agreed upon and it's also good for my career.

“I mean, personally, ayaw kong ulitin yung last five years na parang up and down, up and down, 'di consistent ang mga project na ibinigay sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang gusto ko sana is may security. I mean, I'm already 28 years old.

"If I sign another five-year contract, that's the best."

Kung mabibigyan daw siya ng pagkakataon, gusto ni Steven na ituon ang pansin sa kanyang talento sa pagkanta at pagpe-perform.

Aniya, “Ako naman, ever since galing ako sa StarStruck, I've always wanted to focus on singing and performing.

“Kaya ngayon, nagti-teatro ako, doon ko napu-push yung path ko.

“I also wanted to be na swak sa plans ng GMA para, at least, we're going along the same path.

“That's why my favorite show on GMA is Sunday All Stars kasi doon talaga ako comfortable while I'm performing and singing on stage.

“Puwede rin ako mag-acting-acting.

"Honestly, I'm not the best, it's not my forté, and because I'm not being fluent with my Tagalog.

“At the same time, I always do my best kung anuman ang ibinigay sa akin na project.

“Pero sana... I think it's really best to follow your passion kasi doon ka magiging happy.”


ALMOST QUIT SHOWBIZ. Dahil sa nangyari, hindi ba pumasok sa isip ni Steven na bumalik na lamang sa Amerika?

Sagot niya, “Actually, naisip ko rin 'yon, 'Would it be better kung umuwi na lang ako sa States?'

“Pero I'm already established here at saka I enjoy it here.

“If ever na babalik ako sa States, if ever, parang ano rin, back to zero.

“Here, I'm medyo established here, I have contacts here, and I enjoy it here.

“Mahirap lang kasi nandoon ang family ko and my friends. Pero it's a sacrifice.”

Sa huli, inulit ni Steven na umaasa siyang maging maganda ang resulta ng pakikipag-usap niya sa GMA.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN