Geoff Eigenmann to people who think he still has not moved on from his past relationship: “Hindi ko na problema yun, problema na nila yun.”

Geoff Eigenmann: “Kung gusto nilang doon pa rin sila, doon sila. Ako, I think, I’ve shown otherwise, I’ve proven otherwise."


Isa ang Kapuso actor na si Geoff Eigenmann sa mga nag-enjoy nang husto sa nakaraang Kapuso Weekend na ginanap sa Dakak Park and Beach Resort nitong March 20 to 21.

Halos lahat ng beach games ay sinubukan at ginawa niya at talagang naging game sa bawat challenges na pinaglabanan ng team niya, ang Team Dakak laban sa Team Aliguay.

Kaya naman bukod sa pagiging “Burlesque Awardee” ng Kapuso Weekend in Dapitan, si Geoff din ang nanalong “MVP” o “Most Valuable Player” sa mga lalaki.

“Masaya! At bakit naman hindi, with fellow artists enjoying Dakak, there’s no reason not to smile.

"Masaya kaming buong stay namin actually.”

Sa naging free time pa nilang lahat noong Huwebes, nakapaglaro raw siya ng jetski.

“Bukod sa jet ski, meron pang jet extreme na parang wakeboard siya na may engine, masaya siya.

"Nag-scuba dive, speedboat kami at nag-lunch sa ibang island.”

Aminado si Geoff na noon pa man daw, mahilig na talaga siya sa beach.

“Basta may beach, sige, it’s therapeutic for me.”


GOOD VIBES. Kasalukuyan na ginagawa at napapanood sa GMA-7 ang panghapong serye niya na Kailan Ba Tama Ang Mali?

Masaya raw siya sa serye nila at lahat daw sila rito, tipong good vibes lang.

Natawa naman si Geoff nang biruin namin na masaya siyang talaga dahil dalawa ang babae niya rito, sina Max Collins at Empress Schuck na pareho pa siyang may mga intimate scenes.

“May kilala ba kayong nadalian sa dalawa?” natawa niyang sabi.

“Actually, mahirap ngayon kasi ang mga kinukunan namin, nagkakabukuhan na.”

Kumusta na siya ngayon sa dalawang leading ladies niya?

“Okey, pareho akong enjoy with Max and Empress. Iba sila on the scene and behind the camera.

"Pareho silang both fun to be with.”

Mas gusto na niya na ganito ang karakter na ginagawa niya?

“Hindi naman, hindi naman sa gusto ko. Masaya rin siya, it’s good after a while.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi yung mga ginagawa ko in the past, madalas fantaserye.

"May mga drama parts, but it’s not the whole role. This one is really intense.

“Hindi naman sa gusto ko ‘to, but it’s enjoyable. Even though ganun ang content niya, I still enjoy it.

"For me, it’s good for my soul. Doon ko nari-release.

"Personally for me, it’s a good vehicle and people are watching the show... with the ratings, it’s good.”



THERAPEUTIC. Ibinalik namin sa naging pahayag niya na "therapeutic” ang beach para sa kanya at good for his soul ang serye nila.

May pinagdadaanan pa rin ba siya?

“Hindi naman, I think, they can only figure it out if you’re on my shoe at sinubukan mo na to be on TV.

"Kasi, as an actor, kailangan marami kang baon, alam mo kung ano ang huhugutin mo.

“Puwede kang umiyak dito, pero ang gagamitin mo, hindi bagay.

"Kailangan mo pa rin pagpilian. So for me, as a person who has a lot of experiences in life, ups and down, maraming mailalabas.”

Bilang sabi nga niya na marami na siyang pinagdaanan pagdating sa personal at propesyunal niyang buhay, nakikita ba niyang mas naging “sensible” na aktor pa siya?

“Oo, definitely,” lahad naman niya.

“I think, it comes with maturity, age also. You’ve learned about life, you’ve learned about people, so, yeah, meron pa rin.

"You’re more sensitive with the things that are more important.

"Not just the material things but like relationships with friends, family.

“Life basically, so yun. Iba… life-changing. So, you realize that you don’t need everything.

"That you can actually be happy with less than what you really have.

"You know your worth and what you do that makes you happy.

"You’re content.”



IN THE NOW. Paano kung may magsabi sa kanya na baka hanggang ngayon, hindi pa rin siya nakaka-move-on sa nakaraang relasyon niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko na problema yun, problema na nila yun,” kaswal niyang sagot.

“Problema na nila yun. Kung gusto nilang doon pa rin sila, doon sila.

"Ako, I think, I’ve shown otherwise, I’ve proven otherwise.

"I don’t even have to say anything that’s why I shrug my shoulders and don’t talk about it.

“For me, I know better and masaya 'ko, walang pumipigil.

"Even if I want to do something, I don’t even have to think twice doing it.

"I can live in the now rather than stay in the past and worry about the future.”


Bilang leading lady niya ngayon si Max at ngayon ay siyang cover girl ng FHM March 2015 issue. Ano naman ang masasabi niya?

“Congratulations and ang galing. It’s not her.

"Wala sa itsura niya to do something like that and I actually got to talk to her before she did the shoot.

She’s medyo hesitant about it and all that. According to her, she’s focused on her career now.

"She felt... and I guess Perry [Lansigan] said, it’s right for her to do it, so ginawa niya.

“Lahat naman, we accepted it with open arms and masaya naman sa outcome.”

Naseksihan ba siya kay Max?

“Sino ba naman ang hindi naseseksihan kay Max? Grabe,” sabi ni Geoff.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN