Heart Evangelista has yet to talk to Angelica Panganiban over wedding invitation issue

Heart Evangelista believes that she and Angelica Panganiban are okay. She says, "I think, you know, ang tanda na namin para to take that… I think it’s okay, we have our life, may binyag pa. May ninang-ninangan moment pa so it doesn’t stop there."


Hindi pa muling nakakausap ni Heart Evangelista ang kaibigang si Angelica Panganiban, mahigit isang buwan matapos lumabas ang isyung hindi raw inimbita ng Kapuso actress-TV host ang Kapamilya actress sa kanyang kasal.

Ginanap ang kasal ni Heart kay Senator Chiz Escudero sa Balesin Island, sa Quezon Province, noong February 15.

Sa isang Instagram post, nag-reply si Angelica sa isang fan na nagtanong kung may galit ba siya kay Heart.

Sagot ni Angelica sa fan: “I’ll never be mad at her. She didn’t invite me sa dami ng wedding celebrations niya… Sa kahit anong party involving the wedding celebration. Never niya ako na-invite. So don’t say that I'm insensitive. Baka nakalimuntan na lang niya ako.”

Read: Heart Evangelista clears issue about Angelica Panganiban's claim that she wasn't invited to the wedding

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press kay Heart nitong Huwebes, March 26, muli niyang nilinaw na halos 30 minuto silang nag-usap ni Angelica sa telepono upang imbitahin ang Kapamilya actress sa kanyang kasal.

Saad ng Kapuso star, “I don’t know how that happened.

"I don’t want to elaborate so much, but I did…

“I don’t know, kasi we talked for 30 minutes before anything else.

“So, she said, she’ll be in Japan with John Lloyd’s family, na na-block na yun.

“And I asked again for the reception if she’ll be there kasi different day naman yun.

“She said that she’ll be in Japan, so hindi ko na siya kinulit.”

Diin pa ni Heart, “Although I didn’t print anymore invitation but I personally [invited her] on the phone for thirty minutes.”

Napag-alaman din ni Heart, mula sa matalik niyang kaibigan na si Sarah Christophers, na hindi nakapunta si Angelica sa kanyang kasal sa Balesin at Manila reception dahil hindi raw siya kinulit ng Kapuso star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Heart, “Nung Sarah Christophers was here kasi, she was hanging out with Angelica.

“Tinanong niya si Angelica, sinabi ni Angelica na hindi ko daw siya kinulit.

"But you know, I mean, I had other issues as well.

“I had my parents… I hope that she won’t take it to heart that I didn’t keep calling her.

“But, hindi ko rin naman personality yung mangulit na, ‘Go, go, go!’

Nang tanungin kung may samaan ba sila ng loob ni Angelica, sagot ni Heart, “I think, you know, ang tanda na namin para to take that…

“I think it’s okay, we have our life, may binyag pa.

“May ninang-ninangan moment pa so it doesn’t stop there.

“So, I hope she doesn’t take it to heart na hindi ko siya tinawagan ulit-ulit.

“But sana wala naman, kasi for me, okay lang, hindi naman ano.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN