TV5 star Eula Caballero wants to be open about her relationship

Eula Caballero admits to being consumed by the system in showbiz. She explains, "Pumasok ako sa showbiz na wala akong kaalam-alam. So, tinanggap ko lahat ng sasabihin sa akin. Even people would tell me, ‘You have to be maputi, sexy,’ ganyan. All of those, tinanggap ko, parang sinakyan ko lahat ng requirements."


May dahilan kung bakit masaya at inspirado ngayon ang Kapatid actress na si Eula Caballero.

May mga panahon daw kasing may pinagdaanan siya at na-depress, pero ngayon ay nasa "right path" na ulit siya.

“Kasi, I’ve been so lost… hindi naman yung tipong nagbibisyo.

“Pero wrong path, kasi I can’t figure out how to make myself happy.

“Parang I always need affirmation from other people and then, yun, parang unhappy.”

Saan nag-ugat yung ganoon niyang pakiramdam o pinagdaanan?

“With the industry,” sagot ni Eula.

“Aminin na natin. I think, everybody knows naman talaga na this industry is quite dark.

“And parang na-establish kasi sa industriya na you always have to get people’s approval, someone else’s approval.

“Parang nakulong ako dun na I’m always, ‘Oh my god, oh my god, why, why?’

“Nakulong ako dun at inisip ko at ipinagdasal ko kung lalabanan ko ba ang sistema na ganun.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Eula sa pocket presscon para sa Wattpad Presents: Lady In Disguise, sa Reliance studio ng TV5, kahapon, March 26.

WRONG PATH. Pinabigyang-linaw muli namin kay Eula kung ano ang ibig niyang tukuyin sa “wrong path.”

“It’s because of the system,” diin niya.

Ano ang meron sa sistema ng showbiz?

“The system of showbiz na you have to get people’s approval.

“Parang, in short, I realized that showbiz is my work, not my life.

“Parang ganun.”

Kailan nangyari na parang kailangan niyang kumuha ng approval at naapektuhan siya?

“Every day, nakain lang ako nun…

“Okay, I won’t name names, but it’s like I’m dating someone, ang tagal na naming nagdi-date, but hindi pa rin ako makapag-commit sa kanya because I’m always so afraid.

“Kasi ano ako… pumasok ako sa showbiz na wala akong kaalam-alam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, tinanggap ko lahat ng sasabihin sa akin.

“Even people would tell me, ‘You have to be maputi, sexy,’ ganyan.

“All of those, tinanggap ko, parang sinakyan ko lahat ng requirements.”

OPEN ABOUT HER RELATIONSHIP. Ibig bang sabihin nito ay gusto na niyang maging open pagdating sa kanyang relasyon?

Saad ni Eula, “Yes, pero in fairness to TV5, they never told me that.

“But someone told me, ‘Do not do it for your own sake. Do not do it.’

“And because I was unhappy, parang two years… to make it short, simula nang pumasok ako sa showbiz, I’ve never been unhappy since I was... when I wasn’t in showbiz pa.”

In short, parang hindi niya magawa kung ano ang gusto niyang gawin?

“Yes,” pag-amin niya.

“At saka, nabigla po ako.

“Wala akong… nothing about showbiz, modelling, wala…

“Kumbaga, virgin sa mga ganung bagay.

“When I came here, ang daming infos na hindi dapat. ‘Why like this?’

“Hindi ko kasi ma-figure out kung saan nanggagaling ang problema ko.

“I was thinking the whole time, maybe it’s my family.”

May limang taon na si Eula sa showbiz mula nang manalo siya sa artista search noon ng TV5 na Star Factor.

EULA’S BOYFRIEND. Ang tinutukoy ni Eula na matagal na niyang nakaka-date pero hindi siya makapag-commit ay ang napapabalitang boyfriend niyang si Christian Samson, na co-finalist niya sa Star Factor.

Nakapag-commit na ba siya kay Christian ngayon?

Sabi ni Eula, “Siguro oo, medyo naayos na.

“Nandoon yung iniwan ko lang na naka-hang dun, pero naayos ko.

“I don’t want to say na I’m committing myself, tayo na… siyempre kailangan kong iparamdam sa kanya.

“The commitment that I was talking about it, hindi yung o tayo na.

“Kasi nga, I’ve been sad and palagi kong hinahanap sa iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I tended to talk to other people pa rin.

“He had girlfriend, I dated someone. Parang I was so unhappy.”

Sabi pa niya, “To be honest, I don’t want what happened to my parents happen to me.”

May pagsisisi ba sa kanya na pinasok niya ang showbiz?

Paglilinaw ni Eula, “Ay, hindi po, mahal ko po ang showbiz.

“Yung mga sistema na kumakain sa pagkatao ng isang artista, yun yung you have to shoo it away.

“Pero yung pag-arte, I love acting.

“Gusto ko siyang ma-hone, ma-develop.

“I’m really into it.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN