Eula Caballero is now open to posing for FHM

“Kasi, mas naunawaan ko po itong mundo na pinasok ko, mas naintindihan ko siya. I just know kung ano ang gusto ko at hindi ko gusto based on what’s good and not,” says Eula Caballero on why she is now more open about posing for FHM.


Hindi isinasara ni Eula Caballero ang kanyang pintuan para mag-cover pictorial sa FHM.

“Ngayon po, kapag ready ang katawan ko, when I’m prepared.

“Pero siguro sabihan ako kung ready ang katawan ko,” sabi niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Kapag inalok na siya at nakikita niyang handa na rin ang katawan niya, papayag siya?

“Yes, I’ll grab it,” sagot ni Eula.

“Marami kasi akong nakakausap na, ‘Oh, my god, naka-meeting ko sila ng two weeks and they gave me two weeks, shoot na.’

“Nagre-regret sila na, ‘Bakit ganyan ang hitsura ko sa cover ko?’

“Siyempre, when you do it, do it all out.”

Bakit ngayon ay tila handa na siyang mag-pose nang sexy?

Paliwanag ni Eula, “Kasi, mas naunawaan ko po itong mundo na pinasok ko, mas naintindihan ko siya.

“I just know kung ano ang gusto ko at hindi ko gusto based on what’s good and not.”

Hindi ba yun magiging salungat sa bagong pananampalataya na natagpuan niya?

“No naman, I asked them naman, and nag-two-piece na nga ako sa TV.

“At sabi naman nila, 'Kung wala ka namang pinu-promote…' you know what I mean, magpaalaga ka.

“It was art and there’s no way that it’s called a soft-porn.

“With TV5 naman, alam ko na maaalagaan ako.

“Look at the cover nila of Ritz [Azul].”

Paano kung sabihin sa kanyang kailangan niyang magparetoke, ‘tulad halimbawa ng magpadagdag siya ng boobs? Gagawin niya?

Sagot ni Eula, “Sa ngayon po, hindi… wala rin po kasi akong knowledge kung paano siya ginagawa.

“Sa ngayon lang, takot ako about it. Puro masasamang bagay pa ang alam ko about it.

“Kung may narinig man akong maganda, palaging may but… na after a couple of years, ganito ang mangyayari.”

Sabi rin niya, “Siguro I need more time na lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iwu-workout ko na lang. Muscle din naman yun, habang kaya.

“Kasi, nakakatakot din.”

Ano naman kaya ang masasabi ng kanyang rumored boyfriend na si Christian Samson tungkol dito?

Ayon kay Eula, “Hindi, he’s very supportive.

“Siya pa nga ang nagsasabi sa akin na, ‘Hindi ka ba na-invite sa FHM?’

“Ako, ‘Bakit naman?’

“The truth is, I’ve been answering everybody na, ‘Opo, in time. Baka po. I’m not closing my door.’”

Kung alukin siya ng pelikula na may passionate love scenes o nudity, papayag siya?

Sagot ng 19-year-old TV5 actress, “Oh, my god, hindi pa yata!

“Baka himatayin ako sa harap ng camera. Hindi ko pa po kaya.

“Hindi po siguro agad-agad jump, konti-konti po,” nakangiti niyang sabi.

Nasa punto na bang naiinip siya sa takbo ng kanyang career kaya kailangan na niyang magpakita ng pagbabago?

Sagot ni Eula, “It’s not about my career, e. It’s just so hard now.

“Actually, kung saan-saan naman ako nailalagay ng TV5, they even got me a hosting stint.

“I’m happy po sa career ko.

“I’ve been praying lang na ma-revolutionize ang industry sa Pilipinas.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN