Gerald Anderson on girlfriend Maja Salvador’s sexy dancing in Bridges: "Sexy siya, alangan naman na itatago niya yun... trabaho naman yun."
by Melba R. Llanera posted on

Gerald Anderson appears irritated to be asked repeatedly about rumored split with girlfriend Maja Salvador, "’Di naman bago yan... Kumbaga kung sasagutin ko, wala din. ’Tapos two weeks from now tatanungin ninyo uli sa akin."


Isa lang ang tanong kay Gerald Anderson nang makapanayam siya nung nakaraang Linggo sa set ng ASAP XX.

Totoo bang break na sila ni Maja Salvador?

Agad namang pinabulaanan ito ng aktor, “'Di naman bago yan, lagi namang may ganun. Kumbaga kung sasagutin ko, wala din.

"'Tapos two weeks from now, tatanungin ninyo uli sa akin.

"Masaya kung ano ang mayroon kami ngayon, ine- enjoy namin.”

NO PROBLEM. Madalas na problema ng ilang showbiz couples ang kawalan ng oras sa isa't isa dahil sa trabaho.

Ngayong abala si Maja sa taping ng Bridges of Love at si Gerald naman sa seryeng Nathaniel, source of conflict ba ito sa kanila?

Pakli niya, “Hindi naman. Wala kaming magagawa, ganun talaga, siyempre trabaho."

Ayon kay Gerald ay masaya siya sa magandang nangyayari sa career ng girlfriend at sa mainit na pagtanggap sa pinagbibidahan nitong serye kasama sina Jericho Rosales at Paulo Avelino.

“Congratulations, deserve niya lahat yun, kulang pa.

"Nakanood ako isang episode nila. Ang galing, ang galing nilang lahat.

"It’s a great cast, great story, ang galing ng Star Creatives, congratulations, keep up the good work!

Sexy at daring ang tema ng istorya ng Bridges of Love at may mga eksena na pinapakita ang pagsasayaw ng sensual ni Maja bilang star dancer. Siniguro naman ni Gerald na 'di niya pinagseselosan ang ginagawa ng girlfriend.

“Di ko napanood yun pero nakita ko nga dun sa trailer.

"Sexy naman siya, alangan naman na itatago niya yun. Okay lang, trabaho naman yun.

NATHANIEL. Excited rin na nagkuwento si Gerald tungkol sa Nathaniel kung saan ikinagulat daw niya ang husay sa pagganap ng kapareha dito na si Shaina Magdayao.

“Alam ko na magaling siyang artista, pero 'di ko alam na ganun siya kagaling, kaya nagulat ako, seriously.

"First time ko kasi siyang nakatrabaho, nakakatuwa."

Malapit na raw ang pag-ere ng Nathaniel kung saan makakasama niya sina Coney Reyes, Isabelle Daza, Pokwang, Benjie Paras, Ogie Diaz, at ang batang aktor na si Marco Maza na siyang gaganap ng title role.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Halos lahat ng serye ng ABS, 'pag bata ang bida ay mainit na tinatanggap ng mga manonood. Para kay Gerald, bukod dito ay marami ang makaka-relate sa tatakbuhin ng istorya ng Nathaniel.

“I think yung istorya siguro 'di lang yung bata mismo, yung bata yung bida.

"Lalo na dito sa Nathaniel, malapit sa puso, I’m sure ang daming dumaan sa pinagdaanan ni Nathaniel.

"Ako, si Shaina, yung sitwasyon namin, ang daming makaka-relate.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN