Judge no-show at March 27 hearing for Julia Barretto’s name change petition; rescheduled for May 22

Despite having been assured by daughter Julia Barretto about her intention to formally withdraw her name change petition case, Dennis Padilla says that no legal intervention has been filed yet to pursue such withdrawal. He says, “Yun din ang sabi ng lawyer nila ngayon na wala pa raw instruction sa kanila na i-withdraw yung petition.”


Hindi natuloy ang paghaharap nina Dennis Padilla at ng anak niyang si Julia Barretto kahapon ng umaga, March 27, sa hearing ng Petition to Change Name na isinumite ni Julia sa sala ni Judge Manuel Sta. Cruz Jr. ng Branch 226 ng Quezon City Regional Trial Court.

Nang nalaman ni Dennis itong pag-file ng kanyang anak ng petition para palitan ang legal na apelyido niyang Baldivia at gawin na itong Barretto, nag-file si Dennis ng Petition to Intervene at tinanggap ito ng korte para dinggin ang kanyang panig.

Dapat ay kahapon ng umaga nasimulan ang hearing pero hindi natuloy dahil hindi nakarating ang judge.

Ang abugado ni Julia na si Atty. Bettina Zamora ang dumalo at siyang pumirma sa pag-reset ng hearing na nakatakda sa May 22.

Maagang dumating si Dennis kasama ang abugado niyang si Atty. Mike Ramirez na umaasang magkikita si Dennis at Julia.

NO LAWYERS' INTERVENTION YET. Umaasa naman si Dennis na maayos ang naturang petition at i-withdraw na ito ni Julia dahil nagkaayos na silang mag-ama.

Ayon kay Dennis, nagkausap daw sila ng Julia bago itong hearing.

“Siguro mga five days o six days ago, sabi ko kay Julia, ‘Julia, kasi narinig ko lang sa news at saka dun sa interview mo na hindi mo na itutuloy ang change of name,” simulang kuwento ng komedyante.

“'Tapos sabi ko I think kailangan mo yata kausapin ang mga lawyers para magkaroon ng withdrawal nung petition.

“Ang sabi niya sa akin, hindi pa raw sila nagmi-meet ng mga lawyers.

“Yun din ang sabi ng lawyer nila ngayon na wala pa raw instruction sa kanila na i-withdraw yung petition,” dagdag na salaysay ni Dennis.

Pahayag naman ng abugado ni Dennis na si Atty. Mike Ramirez, “Mukha namang magkakaayos pero at the moment kumbaga, wala pang formal petition to withdraw yung kampo ni Julia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So we will be expecting anytime before the next hearing that they will formally file the proper pleading.”

CLAUDIA'S CASE. Ang iniisip ng kampo ni Dennis na kaya hindi pa gumagalaw sina Julia pagdating sa withdrawal dahil baka makaapekto raw ito sa kaso naman ng isa pa niyang anak na si Claudia Barretto.

Lingid sa kaalaman ni Dennis, nai-file ang petition to change name kay Claudia at na-grant na ito ng korte. Kaya nang nalaman ito ni Dennis, nag-file sila ng Petition for Judicial Relief from Judgment, kasama ang isa pa niyang abugado na si Atty. JV Bautista. Wala pang sagot ang korte kaugnay dito.

Ang gusto sanang mangyari ni Dennis ay kung i-withdraw ang petition ni Julia, sana pati na rin daw ang kay Claudia.

Nakausap nga raw niya ang kanyang anak, at hindi raw niya alam kung ano ang gagawin.

Saad ni Dennis, “Nagkausap kami ni Claudia, binanggit ko rin sa kanya na meron din siyang petition.

“Nabasa ko, sabi ko si Julia binanggit niya sa presscon niya na hindi na muna niya ipu-pursue ang change of name.

“E, ang sabi ni Claudia, hindi rin daw niya alam kung ano ang gagawin.

Dagdag pa niyang pahayag, “Si Claudia kasi 16 pa lang yun, e. Nung na-file ang petition ni Claudia, 14 lang siya nun, two years ago.”

MARJORIE'S DOING. Hindi niya itinatangging malaki ang kinalaman ni Marjorie Barretto kaya nangyayari ito at naaawa raw siya sa mga anak nila na apektado sa kanilang problema.

Wala namang balak si Dennis na kausapin si Marjorie para ayusin ang kanilang isyu na ang mga bata ang nadadamay.

“Wala sigurong chance na mag-usap kami kasi kumbaga sa radyo iba ang frequency namin, e. AM ako FM siya, so hindi magkakasalubong, e.

“Kaya nga umabot sa ganito kasi yung petition sa change of name, siyempre hindi naman pinaalam sa akin. By accident ko lang nalaman,” sagot ni Dennis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO SETTLEMENT WITH MARJORIE. Malabo na raw na magkaayos sila ni Marjorie, pero umaasa siyang maayos nila ito ng kanyang mga anak.

“Sa totoo lang hindi ko alam kung papano maayos ang mga magulang.

“Gusto ko lang mag-reach out sa mga anak ko. Pero sa kanya [Marjorie], hindi. Hindi ko kailangang mag-reach out sa kanya.

“Siguro sa mga dadating na month maayos na 'yan, before the year ends” seryosong pahayag ni Dennis.

“Siguro ang pag-reach out sa nanay, lawyer to lawyer na 'yan. Pero sa mga anak ko, puwedeng personal kaming mag-usap,” sabi pa uli ni Dennis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN