Geoff Eigenmann hospitalized due to minor injury sustained from fight scene accident

Geoff Eigenmann was hospitalized after an accidental punch left him with a swollen eye. The accident happened on the set of his latest teleserye, Kailan Ba Tama Ang Mali? where a fight scene was being shot.


Aksidenteng nasuntok sa kanyang kanang mata ang Kapuso leading man na si Geoff Eigenmann.

Naganap ang naturang aksidente sa set ng pinagbibidahan ni Geoff na afternoon teleserye na Kailan Ba Tama Ang Mali? ng GMA-7.

Sa nakuhang balita ng Balitanghali Weekend ng GMA-7, ipinakita ang namamagang kanang mata ni Geoff habang nasa ospital ito.

Namaga raw ang kanang mata ni Geoff sanhi ng isang kinunang eksena sa kanilang teleserye.

Dinala sa ospital si Geoff at ipinatingin agad ang kanyang natamong suntok.

FIGHT SCENE. Kinukunan daw ang isang eksena kunsaan kaaway ni Geoff ang isang co-star nito.

Hindi binanggit ng news program kung sino ang aksidenteng nakasuntok sa aktor.

Hindi naman daw sinasadya ng kaeksena ni Geoff na matamaan ito sa kanyang kanang mata.

Nangyayari nga raw ang ganitong klaseng aksidente sa mga taping, lalo na kung ang kinukunang eksena ay isang fight scene.

QUICK RECOVERY. Hindi raw ininda noong una ni Geoff ang natamo niyang suntok sa mata hanggang sa sumakit na raw ito at kinailangan na siyang itakbo sa ospital.

Hindi naman nagtagal ay nakalabas na rin daw si Geoff sa ospital at maayos na ang pakiramdam nito.

Sinabihan na lang daw ang aktor na mag-ingat sa mga ganitong klaseng eksena dahil ang simpleng aksidente ay puwedeng lumala.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN