Benjamin Alves refutes rumor that he’s choosy with roles: “Have I ever said no to a job?”

Benjamin Alves explains that he’s constantly honing his craft to be able to deliver when needed: “Of course you want that, it’s always better naman na marinig mo sa kanila na sila na ang magbibigay sa ‘yo. Siguro in time and when that happens, magkakasabay naman siguro yun—me wanting it and you should be able to deliver.”


“Naghihintay sa trabaho,” nakangiting sagot ng Kapuso actor na si Benjamin Alves nang kumustahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Philippine Star noong nakaraang Kapuso Weekend in Dapitan sa Dakak Park and Beach Resort.

Ang huling serye pa raw na ginawa niya ay ang Dading. Halos lahat daw yata ng mga kasama niya sa Dading tulad nina Gabby Eigenmann, Chynna Ortaleza at Glaiza de Castro ay may bagong serye nang ginagawa.

Anong pakiramdam na hanggang ngayon ay naghihintay pa rin siya?

Ayon kay Benjamin, “Oh, anxious, that’s normal. Pero hindi nawawala ang trust ko sa GMA. I just wanna work.

“I think this is my longest wait, kasi in the past, consistent na two months 'tapos meron na 'ko kaagad.”

PATIENTLY WAITING. Mag-aanim na buwan na rin daw kasi siyang walang teleserye. Kaya naitanong namin sa kanya kung siya ba ang tipo ng artista na nagtatanong o nagpa-follow-up.

Sabi naman ni Benjamin, “Trabaho naman ni Jonas [Gaffud, his manager] yun.

“He always asks and he keeps me updated. May nasasabi naman ever since the year started, may nasasabi naman.

“Siguro napu-postpone lang.

“Okey lang naman sa akin yun, you’re just anxious because you wanna work.”

MAXIMIZING HIS DOWNTIME. Yung mga buwan naman daw na wala siyang regular na teleserye, nagawa niyang mag-gym palagi, at nakauwi rin siya ng Guam sa loob halos ng isang buwan.

Kuwento niya, “Ang dami ko rin namang ginawa for GMA ng the whole December—regional, Wish Ko Lang.

“So it’s a good thing that I have relationship with a lot of production staff, as well as with regional.

“Even in Wagas, you do other things. Different nga lang kapag meron kang character na nasa ‘yo.”

WANTS TO DO INDIES AGAIN. Isa naman sa ikinatuwa ni Benjamin ay nang mapasama siya sa workshop na ginawa ng RADA (Royal Academy of Dramatic Art) ng PETA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad pa niya, “Last month lang yun and I was telling Ms. Gigi [Santiago-Lara, GMA SAVP for Alternative Productions] kung may audition for indie films, nakaka-miss, sobra!

“Yung Sana Dati is showing again,” masayang sabi ni Benjamin sa indie film na ginawa niya kasama sina Lovi Poe at Paulo Avelino.

“I wanna watch it again. Paborito ko rin yun.”

DREAM ROLE. Kung magkakaroon daw siya ng bagong serye, ang gusto raw sana niya yung medyo light naman ang kuwento.

Nasabi pa niyang kung ire-remake raw ng GMA -7 ang Koreanovelang My Love From the Stars, gusto raw niyang gawin ito.

“Gusto kong gawin ang My Love From the Stars. They re-aired it, it just shown a months ago and they re-aired it again, 'di ba?

“I’ll audition for it, papahaba ako ng buhok,” sabi pa niya.

Kung may leading lady siyang gusto, sino?

“Kris Bernal, puwede ba si Kris?” natawang sabi niya.

“Ang ganda ng story and the character, he’s an alien man. Kung pipili ka rin lang ng story, yung hindi naman alien na alien.

“Yung ganung-ganung treatment, yung light and we’re very good on that.”

CHOOSY WITH ROLES? Naitanong din ng PEP kay Benjamin kung ano ang totoo sa diumano’y nagiging mapili raw siya sa role na gagawin; na ang gusto naman daw niya, yung talagang siya na ang bida.

Paglinaw niya, “No, siguro kung nakakarating sa inyo yun, I don’t know. Have I ever said no to a job?

“I don’t think I even had a lead-lead. I’m not the focal or the whole story runs around my character, I never had that.”

Pero wala pa ba siya sa ganoong estado na ganung klase na ng role ang gusto niya?

Dagdag pa niya, “Of course you want that, it’s always better naman na marinig mo sa kanila na sila na ang magbibigay sa ‘yo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro in time and when that happens, magkakasabay naman siguro yun—me wanting it and you should be able to deliver.

“Kasi, if you’d asked two years ago if I wanted that, I’ll tell you I couldn’t because I’m aware naman on how I am as an actor.

“I don’t know if anybody heard that, it’s coming from my manager and my manager, that’s his job and he’s doing a good job.”

HAPPY WITH MERCATOR. Ilan na rin sa mga dati niyang kasamahan sa Mercator ang nawala na sa poder ng manager niya.

Pero siya, masasabi ba niyang masaya pa rin siya sa pangangalaga ng Mercator?

“Oh, yes and to defend Jonas also, to be fair to Jonas and to be fair to them, I don’t think it ever happened that they wanted to get out of contract.

“It ended and there’s nothing wrong with wanting to go some place. It doesn’t mean you’re burning bridges.

“That’s a good sign for both of them. Natapos naman ang kontrata. And with me, I still have a lot of years with Jonas.

“I’m still in Guam two years ago and I’m here now in Dakak, getting paid.” pahabol pa ni Benjamin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN