Geoff Eigenmann on getting back into the dating scene: "I've been out, but not around. Magkaiba yun."

Geoff Eigenmann says he's been going out, but not dating anyone exclusively: "I'm going-out. I've been out, I've seen people."


Matagal-tagal na rin simula nang mag-break sina Geoff Eigenmann at ang dati niyang girlfriend na si Carla Abellana. Ganunpaman, sinasabi naman ni Geoff sa bawat interview niya na okey siya at masaya siya ngayon.

Tila naging daan din yun para mas maging focused siya sa sarili at makapagbigay ng oras niya para sa kanyang pamilya.

Pero ngayon ba, masasabi kaya niyang nakahanda na nga siyang pumasok sa panibagong relasyon?

Ayon kay Geoff, “Yeah, I guess so. I guess you can say that. .

“Ako, as long as you’re confident with yourself, I just do my thing and if you want to come along with the ride, so yun.”

GOING OUT. Nakikipag-date na ba siya?

“I’m going-out.

“I’ve been out, I’ve seen people,” pag-amin niya.

May partikular na babae ba siyang dini-date lang?

“I don’t think you can say that. Well, in particular, not really. But I’ve been out.”

“I’ve been out, but not around. Magkaiba yun,” pagklaro niya.

HOLY WEEK VACATION WITH FAMILY. Sa naging Kapuso Weekend in Dapitan sa Dakak Park and Beach Resort, sinalubong ni Geoff ang nakaraang kaarawan niya noong March 22 kunsaan sorpresa siyang kinantahan at binigyan ng cake ng mga kasama niyang Kapuso stars at ng Dakak Park and Beach Resort mismo sa imbitasyon sa kanila ng mag-amang Romeo Jalosjos at Lana Jalosjos-de Leon.

Pero ngayong Holy Week, puwedeng sabihin na itutuloy ni Geoff ang selebrasyon ng kaarawan niya sa Hongkong kasama ang kanyang pamilya.

Sabi nga ni Geoff, “I will be in Hongkong with family—my mom, brother and his kids, wife and I think, sila Gabby Eigenmann.”

Nakapag-Hongkong Disneyland din daw sila nila Gabby noong isang taon. Ngayon daw, kasama lang nila sina Ryan Eigenmann at Direk Gina Alajar.

Kung titingnan siya, tila nae-enjoy niya nga ang pagkakataon ngayon na ang kasama niya ay ang pamilya niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo naman,” mabilis niyang sagot.

“Focus ako ngayon with family and sa sarili ko. I haven’t been focusing a lot on myself.”

Mas masaya rin ba si Direk Gina sa nakikita sa kanya ngayon?

“Sa akin? Ewan ko,” natawa niyang sabi.

“But with the family, oo naman. As of now naman kasi, we rarely see each other rin kasi, pareho kaming may work. Pero we jive naman, we talk.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN