Jam’s mom, Maricar Sebastian, quiet on rumored conflict with Mich Liggayu

Jam’s mom, Maricar Sebastian, on Mich Liggayu being linked to newbie singer, Neo Dominguez: “Marami akong narinig, pero in time. Saka na lang ako magsasalita.”


Tatlong linggo na ang nakakalipas nang ihatid sa kanyang huling himlayan ang YouTube sensation na si Jam Sebastian, ngunit tila nag-iba na ang ihip ng hangin sa mga naulila nito.

Usap-usapanang ngayon na nagkaroon daw ng alitan ang fiancée ni Jam na si Mich Liggayu at ang ina nito na si Maricar Sebastian. Ang dahilan ay ang binabalak daw na pagpasok ni Mich sa mundo ng showbiz at sa pagkaka-link nito sa baguhang singer na si Neo Dominguez.

Sa panayam ng Startalk sa ina ni Jam na ipinalabas nitong Sabado, March 28, hindi na ito nagbigay ng pahayag tungkol sa plano raw ni Mich na pumasok sa showbiz.

Sabi ni Maricar, “No comment ako dun. Wala akong ano dun… hindi daw siya dapat pakialaman.

“Tapos na yung kabanata nila ng anak ko.”

Tinanong din ng Startalk kung totoo nga ba ang alitan nilang dalawa ngunit ang sagot nito, “Siya na lang nakakaalam nun.

“Alam niya kung ano ang mga ginawa niya.

“Nasa ano pa ako, time na hindi pa talaga ako maka-move on.

“Kaya gusto ko munang respetuhin kasi kamamatay lang ng anak ko.

“Kaya in time na lang ako magsasalita.

“Hindi ko naman siya pinapakialaman kung saan siya pumupunta at hindi ko siya tinatanong.

“Basta ang focus ko nasa anak ko, yun lang.”

Hindi na rin muna nagbigay ng pahayag si Maricar nang tanungin kung ano ang masasabi nito sa pagkaka-link niya kay Neo.

Isa ito sa hinihinalang dahilan kung bakit napalayo raw ang loob ni Maricar kay Mich na itinanggi naman ng dalawa.

Read: Newbie singer Neo Domingo denies rumored romance with Michelle Liggayu: “Huwag nating bigyan ng mas dinadala pa si Mich.”

Ngunit ang pahayag lang ng ina ni Jam, “Marami akong narinig, pero in time. Saka na lang ako magsasalita.”

Ayon pa sa ulat, hindi pa raw nakakausap ni Maricar si Mich simula nung mailibing si Jam. Sa ngayon, hindi pa handa si Maricar na muling kausapin ang dalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Hindi ko pa kaya makipag-usap.”

Bago ang panayam na ito, inamin din ni Maricar sa Kapuso talk show na labis nitong ikinalungkot ang naging desisyon ni Jam na makipag-live in kay Mich.

Aniya, “Tinext ko si Mich, sabi ko, ‘Mich, first time nalayo sa 'kin si Jam. Kung sawa ka na sa anak ko, isoli mo sa ‘kin.’

“Yun na, kasi ang sakit, e. Yun ngang paglipat ng anak ko sa ibang bahay sobrang sakit na sa akin.

“How much more kung mawawala yung anak ko. Hindi ko makakaya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN