Bea Alonzo reacts to Zanjoe Marudo’s statement about being a real dad

Bea Alonzo comments on Zanjoe Marudo’s statement that he’s ready to become a real dad. “That makes me feel na seryosahan talaga siya. He really takes this relationship seriously,” the actress says.


Marami ang nagtataka kung bakit hindi na madalas na nakikita si Bea Alonzo sa telebisyon ngayon. Ito ay dahil abala siya sa ginagawa niyang pelikula na Crossroads, kung saan makakasama niya sina Richard Gomez at Dawn Zulueta.

Kaugnay nito, nag-aaral siya ngayon ng sailing para sa role na kanyang gagampanan.

Kahit delikado para sa baguhang tulad niya, nag-e-enjoy naman si Bea sa bagong sport na kanyang sinusubukan.

Umiwas siyang pag-usapan ang maliit na aksidenteng nangyari sa kanya dahil sa sailing.

“Parang pangit naman kung pag-uusapan natin yung negative side ng sailing, baka mamaya wala nang mag-sail,” natatawang sabi ni Bea nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at YES! magazine kahapon, March 28, sa launch ng bagong Olay Moisture Body Wash na kanyang iniendorso.

went to the er to have my bruises checked due to falling off the sail boat.. �� #buhaypelikula

A photo posted by bea alonzo (@beaalonzo) onMar 5, 2015 at 9:28am PST

Sa halip, sinabi na lamang ni Bea, “It's actually very, very fun. Marami kang matututunan. Marami kang maia-apply sa buhay mo like, kung paano to just go with the wind. Just let go and have fun.”

Pagkatapos ng pelikula, ayon kay Bea, magbabalik na siya sa paggawa ng teleserye.

“Uunahin ko muna ang movie. Baka shortly after the movie mag-teleserye na.

“Kasi yung team na gagawa ng soap is working on Forevermore,” sabi ni Bea.

HAPPY FOR ZANJOE. Samantala, masaya raw si Bea sa tinatamasang tagumpay ng boyfriend niyang si Zanjoe Marudo dahil sa teleseryeng Dream Dad.

“I'm very, very happy for Zanjoe kasi finally nasa primetime siya 'tapos nasa first slot pa.

“Alam naman natin kung gaano ka-importante yung slot, 'di ba?

“I'm very happy lalo na kapag lumalabas kami, tinatawag siyang Mr. President. I'm so happy for him,” aniya.

Nabanggit ng PEP kay Bea ang sinabi ni Zanjoe na ready na siyang maging real dad.

Read: Zanjoe Marudo hopes to be a real dream dad “as soon as possible.”

“Wow. Good for him,” natatawang reaksiyon ni Bea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos sinabi niya, “Masaya ako. That makes me feel na seryosahan talaga siya. He really takes this relationship seriously.”

Pero agad naman niyang nilinaw sa huli, “I'm sure sinabi niya rin na not anytime soon!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN