Derrick Monasterio graduates from high school

Derrick Monasterio is an ideal role model for the youth because he managed to finish high school despite his busy showbiz career. He says, “If I can do it, you guys can also do it.”


“If I can, you can!”

Ito ang naging caption ng Kapuso teen actor na si Derrick Monasterio sa pinost niyang graduation photo sa kanyang Instagram account noong March 26.

If I can, you can! 🎓

A photo posted by @derrickmonasterio onMar 26, 2015 at 12:52am PDT

Kabilang ang 19-year old actor sa bumuo ng graduating high school class 2015 ng Angelicum College.

Kahit naging busy si Derrick sa taping ng long-running afternoon teleserye na The Half Sisters, nagawa pa rin niyang harapin ang kanyang pag-aaral at matupad ang pangako niya sa kanyang ina, ang former movie actress na si Tina Monasterio, na makakatapos siya ng high school.

Patunay itong hindi hadlang ang showbiz career kung nais talagang makatapos ng pag-aaral kahit na home study pa ito.



GOOD GRADES. Sa isang litrato na pinost naman ni Derrick sa kanyang Instagram account noong January 20, ipinagmalaki niya ang kanyang nakuhang above average grades sa kanyang report card.

Sapat na ang kanyang grades para makatuntong siya ng kolehiyo.

Ito ang inilagay na caption ni Derrick:

“At last! Goodbye high school!! Proud of myself after 2 years into homestudy school and a hell lot of multi-tasking, i finally made it! If I can do it, you guys can also do it. Ps: this is a copy of my report card!!! #yabanghits”

Kaya hinihikayat ni Derrick ang mga kabataan na bigyan halaga ang kanilang pag-aaral at huwag itong balewalain.



YSSA ATTENDS GRADUATION. Bukod sa kanyang ina, ang isa pang espesyal na taong dumalo sa kanyang graduation ay ang nababalitang girlfriend niya na si Yssa Pressman.

Si Yssa ay kapatid ng Viva contract artist at former Kapuso na si Yassi Pressman.

Last year pa naman inamin ni Derrick na nagde-date sila ng kapatid ni Yassi.

Nakilala ni Derrick si Yssa noong minsang magbakasyon siya sa Boracay. Mula noon ay naging close na raw sila nito.

Kung noon ay “friends” lang ang label ni Derrick sa samahan nila ni Yssa, ngayon ay “love” na ang tawag niya rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Makikita nga sa kanyang Instagram account ang maraming litrato na magkasama sila.

While walking down the aisle :) with my two loves

A photo posted by @derrickmonasterio onMar 26, 2015 at 4:44am PDT

BACK TO WORK. Pagkatapos ng kanyang graduation ay balik-trabaho si Derrick sa taping ng The Half Sisters with Barbie Forteza, Thea Tolentino, at Andre Paras.

Extended ang naturang teleserye hanggang May 2015.

Wala pang nababanggit si Derrick kung ano ang kukunin niyang kurso sa college.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN