Aljur Abrenica travels solo to Batanes for his birthday

Aljur Abrenica on the joys of traveling alone: “Kasi gusto kong mag-isa, e. I wanna try traveling alone. And na-achieve ko. If you’re alone, gusto mo ng tahimik. So pumunta ako do’n. At kapag mag-isa ka, you get to mingle with a lot of people.”


Noong March 24 ang kaarawan ni Aljur Abrenica. Pero imbes na magkaroon siya ng party, pinili na lang niyang magbakasyon ng ilang araw sa Batanes.

“Nagpunta ako ng Batanes on the day mismo ng birthday ko. Kakauwi ko lang noong March 27,” masayang bungad ni Aljur nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Sunday All Stars kaninang hapon, Linggo, March 29.

Kuwento ni Aljur, “Sobrang ganda po ng Batanes. Talaga pong maipagmamalaki natin.

“Ang masasabi ko, nag-enjoy po talaga ako sa bakasyon kong 'yon. Nakapag-relax ako.

“Mag-isa lang ako, e. So parang adventure talaga yung trip ko na 'yon sa Batanes.

“Sumakay ako ng boat papunta sa tatlo pang islands doon sa Batanes. Sobrang breath-taking talaga yung view.

“'Tapos nag-meditate din ako. And I met a lot of amazing and talented artists do'n sa Batanes.

“At saka yung de Leon family doon. They were so accommodating and nice.”

Bakit Batanes ang napili niyang puntahan?

“Kasi gusto kong mag-isa, e. I wanna try traveling alone.

“And na-achieve ko. If you’re alone, gusto mo ng tahimik.

“So pumunta ako do’n. At kapag mag-isa ka, you get to mingle with a lot of people.

“Marami akong nakilala doon na turista din. Okey naman,” patuloy pa niya.

SAFE AND SECURE. Hindi ba siya natakot na bumiyaheng mag-isa para i-explore ang Batanes? Kasi yung iba, takot bumiyaheng mag-isa sa isang lugar na first time pa lang nilang mapupuntahan.

“Well, siniguro ko naman na… Batanes is a safe place to go. Secured naman ako kasi inalagaan nga ako ng isang family doon, yung de Leon family.

“And yung mga tao sa Batanes, I asked din, e. Tungkol sa lugar nila… if there is crime.

“People there are very warm. Mababait sila.”

HOLY WEEK PLANS. Ngayong Holy Week, saan naman kaya siya pupunta?

“I’m gonna spend my time with my family sa Batangas. But I’ll try na makapunta ulit sa Manaoag [Pangasinan],” aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

What about this summer, ano ang plano niya?

Lahad pa niya, “I’ll just… may workshop ako, e.”

RARING TO GET BACK TO WORK. May mga upcoming projects na bang aabangan from him? Marami na rin ang nagtatanong, at talagang nakaabang, na muli siyang mapanood na umarte sa harap ng camera.

“Sa mga nagtatanong, sa mga nag-aabang… thank you.

“At sobrang naa-appreciate ko ang mga nababasa ko sa mga social media and even yung mga sinasabi rin sa akin in person.

“So… salamat!

“Pero when it comes to upcoming projects, I’m looking forward to positive results.

“And ‘yon… basta, thank you!” pahayag pa niya.

Na-miss na ba niya ang pag-arte? Pati ang paggawa ng soap?

“Yes!

“Lagi kong iniisip ‘yan. Nagdi-daydream ako na makakapag-taping ako ulit.

“So… abangan na lang nila,” nangiting sabi ni Aljur.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN