Daniel Padilla named Nickelodeon’s Global Slime Star; fails to win Asian Act award

"Guys its ok!!! Bonggaaa na ang manominate! And lets be thankful na may napanalo parin tayo!:)),” Karla Estrada tells fans of her son, Daniel Padilla, who complained about the results of Nickelodeon’s Kids’ Choice Awards Asian Act category.


Bigo si Daniel Padilla na manalo sa Asian Act category ng taunang Nickelodeon Kids' Choice Awards.

Ayon sa announcement ng Nikelodeon sa Facebook, ang Indonesian idol group na JKT48 ang hinirang na Kids' Choice para sa Asian Act category.

Ibig sabihin nito ay mas marami ang bumoto para sa Indonesian group kumpara kay Daniel mula sa Pilipinas, Jinnyboy mula sa Malaysia, at Tosh Zhang mula sa China.

Bagamat natalo sa nasabing kategorya, hinirang naman ang tinaguriang Teen King ng ABS-CBN bilang Global Slime Star.

Si Daniel ang kauna-unahang Pinoy na binigyan ng ganitong award ng Nickelodeon.

Naka-post sa Facebook account ng Nickelodeon ang video kung saan binuhusan si Daniel ng green slime, na tradisyunal na ginagawa sa mga nakakuha ng nasabing award.

Sa dulo ng video, nagpasalamat si Daniel sa mga sumuporta sa kanya para mapili sa naturang kategorya.

Aniya, β€œThanks everyone around the world for choosing me to be slimed. Yeah!”


IT'S OKAY, DJP FANS. Sa kabilang banda, dahil sa pagkatalo ni Daniel sa Asian Act award, hindi maiwasang magalit ng ilan sa kanyang avid supporters.

Sa announcement post na ginawa ng Nickelodeon, mapapansin na may ilang Pinoy na kumukuwestiyon sa pagkapanalo ng JKT48.

Agad namang pinakiusapan ng ina ni Daniel na si Karla Estrada ang fans na huminahon at magpasalamat na lamang sa natanggap ng anak.

Sa kanyang Twitter account (@Estrada21Karla), sinabihan ni Karla ang fans ni Daniel: β€œLet's be thankful na may napanalo pa rin tayo.”

Narito ang kanyang mga post sa Twitter:


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN