Claudine Barretto says Rico Yan’s death anniversary is her “yearly nightmare”

Claudine Barretto still misses former boyfriend Rico Yan, 13 years after his death.


Nami-miss pa rin ni Claudine Barretto ang kanyang dating boyfriend at ka-loveteam na si Rico Yan, 13 taon na ang nakalilipas mula nang masawi ang aktor dahil sa hemorrhagic pancreatitis.

Sa kanyang Instagram account nitong Linggo, March 29, nag-post si Claudine ng larawan habang nagwo-workout.

May caption ito na: “HIIT AGAIN! pang wala ng lungkot. hate this Day. March 29 every year You r my nightmare!!!!Missing u RY.”

Ang initials na "RY" ay tumutukoy kay Rico Yan, na namatay sa Dos Palmas Resort sa Puerto Princesa, Palawan, noong March 29, 2002.

Taong 1997 nang magtambal sina Claudine at Rico sa pelikula at teleserye.

Sa teleserye, naging hit ang Mula Sa Puso noong 1997 na siya ring naglunsad ng successful team-up nina Claudine at Rico.

Ang pelikulang Got 2 Believe na idinirek ni Olivia Lamasan ang pinakahuling film project ni Rico kasama si Claudine.

Sa pamamagitan din ng kanyang Instagram account, nag-post si Claudine ng larawan nila ni Rico noong March 14, ang birthday ni Rico.

Ang nasabing photo ay mula sa Got 2 Believe.

May caption pa si Claudine dito na: “Happy Birthday RY. You will forever remain in our hearts❤”

Happy Birthday RY.you will forever remain in our hearts❤️

A photo posted by @claubarretto onMar 13, 2015 at 7:32pm PDT


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN